Connect with us

Uncategorized

Paglipat ni Lovi Poe Bilang Kapamilya Star, Alay Niya Para sa Kanyang Namayapang Ama na si Fernando Poe Jr

Sa loob ng halos 15 taong pananatili sa showbiz ay marami na ang pinabilib ng aktres na si Lovi Poe sa kanyang natatanging husay sa pag-arte. Ang kanyang taglay na kakayahan sa pag-arte ay napanood ng marami sa GMA Network. At bilang isang Kapuso star, ay talaga namang hinahangaan siya ng publiko, at naging matagumpay ang karera.

Credits: PEP

Ngunit, kamakailan lamang ay ginulat ni Lovi ang marami matapos mapabalita ang biglaan niyang paglipad sa kabilng istasyon. At ngayon nga ay nasa pangangalaga na si Lovi ng ABS-CBN at isa nang ganap na Kapamilya star matapos ang 15 years na pagiging Kapuso.

Nito lamang ika-16 ng Setyembre nang pumirma ng exclusive contract si Lovi sa ABS-CBN sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng network. Buong puso at naging mainit naman ang pagtanggap kay Lovi ng mga big boss ng Kapamilya na sina Dreamscape Entertainment head Roldeo Endrinal, ABS-CBN bosses Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Mark Lopez, Rick Tan, at ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez.

Credits: PEP

At kamakailan nga, ay pormal na siyang ipinakilala sa publiko bilang pinakabagong Kapamilya star sa pamamagitan ng isang virtual mediacon. Marami naman sa mga tagahanga ni Lovi ang talagang nakasuporta at natuwa sa naging pasya ng napakaganda at seksing aktres.

Inanunsiyo rin ang proyektong agad na gagampanan ni Lovi. At sa unang sabak niya nilang Kapamilya artist, ay sasalang siya sa isang teleserye at pagbibidahan ang remake ng Pinoy version ng hit K-drama na Flower of Evil kung saan ay makakatambalan niya ang sikat at gwapong aktor na si Piolo Pascual.

Labis naman ang pasasalamat ni Lovi sa ABS-CBN sa pagkakataon at tiwalang ibinigay sa kanya para mas lalo pang patunayan ang kanyang kakayahan at talento bilang isang mahusay na artista.

“Wala akong nararamdaman kundi pasasalamat kasi I’ve been a huge fan of the body of work of ABS-CBN. And I’m happy they gave me this opportunity, the trust they gave me, di ko in-expect. I’m just grateful.”

Credits: Lovi Poe | IG

Samantala, hindi naman naiwasan ni Lovi ang alalahanin ang magagandang alaala na iniwan ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr. Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na naging tahanan rin ni FPJ ang ABS-CBN, kung saan nga, ay dito napapanood ang mga remake ng kanyang mga pinagbidahang pelikula.

Ayon nga kay Lovi, sa mga alaalang iniwan ng kanyang ama sa ABS-CBN, ay pakiramdam niya ay mas lalo siyang napalapit sa kanyang ama.

“It makes me feel close to my father as well, this was my dad’s home and I’ve always longed for that love and the fact that I’m here makes me feel a lot closer to him.”

Nabanggit rin ni Lovi ang isa sa kanyang dream project sa ABS-CBN. At ito nga ang remake ng isa sa pinakasikat na pelikula ng kanyang ama na “Ang Panday”.

Sa Instagram naman, ay ibinahagi ni Lovi ang isang simple ngunit makahulugang post kasabay ng kanyang paglipat sa ABS-CBN.

Credits: Lovi Poe | IG

”Para sa’yo, Papa.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved