Connect with us

Entertainment

Kaye Abad Masayang Ipinakilala ang Bagong Silang Niyang Anak ang 2nd Baby Nila ni Paul Jake Castillo

Nito lamang ika-13 ng buwan ng Setyembre, araw ng Lunes ay masayang ipinakilala ng 39-taong gulang na aktres na si Kaye Abad sa publiko ang bagong silang niyang sanggol. Ito nga ay ang ikalawang anak nila ng asawa niyang si Paul Jake Castillo.

Credits: Kaye Abad- Santos | IG

Sa pamamagitan ng isang post sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Kaye na isinilang na nga niya ang kanilang 2nd baby noong ika-2 ng Setyembre kung saan ito ay isang malusog na baby boy na binigyan nila ng pangalang Iňigo Leon Castillo.

“Meet Iňigo Leon Castillo. Sep 2, 2021.”

“Snug and safe with @halophilippines Lightweight and comfy with @chicophilippines”, ang naging caption ni Kaye sa kanyang post kalakip ang larawan ng kanyang bagong silang na sanggol.

Sa isang vlog ay ibinahagi naman ni Kaye ang mga pinagdaanan niya ng malapit na siyang magsilang.

Credits: Kaye Abad- Santos | IG

Ayon sa aktres, habang siya ay naglalakad sa loob ng kanilang bahay ay agad niyang napansin at naramdam na tila nga siya’y manganganak. Dagdag pa niya, ng siya ay umihi, ay napansin niya na may kasama na itong dugo kaya naman sila ng kanyang mister na si Paul Jake ay agarang tumawag sa OB-GYN na nangangalaga sa kanya at sinabi nga nito na dumiretso na silang mag-asawa sa ospital.

Credits: Kaye Abad- Santos | IG

Pagdating sa ospital ay inabot pa ng ilang oras bago pa maisilang ni Kaye ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Hindi na rin naman naibahagi pa ng mag-asawa ang aktwal na naging panganganak ni Kaye dahil sa ipinagbawal na sa delivery room ang kumuha ng bidyu.

Nang maibahagi nga ni Kaye sa kanyang IG ang larawan ng kanyang baby number 2, ay agad na bumuhos ang maraming pagbati para sa kanilang mag-asawa. Ilan nga sa mga bumati ay mga kaibigan nila sa industriya, kagaya na lamang nina Dominic Roque, Donna Cruz, Cheska Kramer, Marier Padilla, Nikki Valdez at Chito Miranda.

Credits: Kaye Abad- Santos | IG

Base naman sa ilang mga ulat, emosyonal ang naging pagkikita ni Kaye at panganay na anak na si Joaquin dahil sa halos ilang araw din na hindi nagkita ang mag-ina matapos ngang manganak ng aktres.

Si Kaye Abad at ang kanyang asawang si Paul Jake Castillo ay ikinasal noong ika-9 ng Disyembre taong 2016 sa Cebu City. Bago pa man ang bagong sanggol nila ngayon na si Iňigo ay may nauna ng panganay na anak ang mag-asawa at ito nga ay si Joaquin.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved