Connect with us

Entertainment

Tingnan si Dingdong Dantes na Nagpapakita ng Walang Kupas Niyang Kagwapuhan Mula Noon Hanggang Ngayon

Hindi naman maitatanggi na mula noon hanggang ngayon ay wala paring kakupas-kupas ang taglay na karisma at kakisigan ng tinaguriang Primetime King na si Dingdong Dantes. Kaya naman sa kabila ng pagkakaroon na niya ng asawa’t mga anak, ay kinakikiligan at pinapantasya pa rin siya ng maraming mga kababaihan.

Credit: Google | Image

Batid natin na isa si Dingdong Dantes ngayon sa pinakasikat na aktor sa mundo ng showbiz. Siya ay nabibilang sa mga maipagmamalaking bituin ng GMA-7. Maliban sa pagiging isang aktor, ay kilala rin bilang host si Dingdong ng ilan sa mga proyekto niya sa nasabing network.
Samantala, marami naman sa atin ang hindi nakakaalam kung paano nga ba nagsimula sa pag-aartista si Dingdong.

Credit: Google | Image

Ayon sa mga ulat, unang lumabas sa telebisyon sa ing on-screen brand advertisement, bilang isang commercial model. Ang taglay niyang kagwapuhan at karisma ang naging susi niya upang mapasok ang mundo ng pag-aartista.

Taong 1997 ng mapabilang si Dingdong sa mga cast ng T.G.I.S, isang defunct GMA youth-oriented series, kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang si Iňaki.

Credit: Google | Image

Matatandaan naman na mas nakilala si Dingdong ng mapabilang siya sa ‘Abstract Dancer’, isa sa mga sumikat na dance group noong dekada 90. Kasama rin niya sa grupong ito ang pinsan niyang si Artur Solinap.

Mas lalo naman siyang minahal ng publiko ng ipamalas niya ang husay niya sa pag-arte at magampanan ng mabuti ang mga karakter na ibinibigay sa kanya sa isang proyekto, tulad na nga lamang ng mga kinabilangan niyang serye na ‘Sana ay Ikaw na Nga’, ‘Encantadia’ at ang ‘Marimar.’

Credit: Dingdong Dantes | Instagram

Isa pa sa nagpakilig na karakter ni Dingdong sa mga manonood, ay ng gampanan niya ang pagiging si Cpt Lucas, a.k.a Boss, sa GMA series na ‘Descendants of the Sun’, kung nakatambal naman niya ang aktres na si Jenelyn Mercado.
Sa ngayon ay kasal na nga si Dingdong sa kanyang asawang si Marian Rivera, na nakilala niya sa set ng ‘Marimar’ at naging katambal nga niya sa nasabing serye.

Credit: Dingdong Dantes | Instagram

Ang kanilang masaya at puno ng pagmamahalang buhay mag-asawa ay nabiyayaan na rin ng dalawang anak, ang napakagandang anak nilang babae na si Zia at ang super sa kagwapuhan rin na anak nilang lalaki na si Ziggy.

 

Credit: Dingdong Dantes | Instagram

Magmula nga ng simulant ni Dingdong ang kanyang karera sa mundo ng showbusiness, ay hinangaan na siya ng marami, at dahil sa kanyang napakarami na ring mga proyekto ay tinagurian siyang Kapuso Primetime King.

Credit: Google | Image

Hindi naman mahahalata na ngayon ay nasa 40’s na ang edad ng aktor, lalo pa’t napapanatili niya ang kanyang fit na pangangatawan sa pamamagitan ng balanced diet at active lifestyle. Tila nga wala pa ring kupas ang kanyang kakisigan at pagbibigay kilig sa marami niyang mga tagahanga, lalo pa pag ipinakita na niya ang kanyang napakagandang pagngiti na mas lalong nagpapabata sa kanya tingnan.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved