Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Celebrity na sa Edad na 40’s ay Nabiyayaan Pa ng Baby

Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na ang pagkakaroon ng anak sa edad na 35 pataas ay talaga namang mahirap na para sa isang babae, at ito ay base na rin sa mga sinasabi ng mga doktor. Ngunit sa kabila nito, ay mayroon pa ring mga kababaihan na nagpatunay na kaya pang manganak ng babae sa edad na 35 pataas.

Ilan nga sa mga kakabaihan na ito na nagkaroon ng anak sa edad nilang 40’s ay ang mga kilalang celebrity na ating hinahangaan sa mundo ng showbusiness.

1. Phoemela Baranda

Sa isang panayam sa kanya ng Preview.Ph ay inanunsyo ng 40-taong gulang na TV host-actress na si Phoemela Baranda na siya’y nagdadalang-tao at magkakaroon na nga muli ng isa pang anak. Noong ika-5 ng Marso taon ng kasalukuyan ng isilang niya ang kanyang ikalawang anak, na isang napakaganda at malusog na sanggol na babae.

Ayon kay Phoemela, plinano nila ng kanyang partner na si Jason Choachuy, isang professional race car driver ang pagkakaroon nila ng anak. Ang kanila ngang baby girl, ang unang anak ni Jason, at pangalawang anak naman ito ni Phoemela, dahil noong kabataan niya ay nagkaroon na siya ng panganay na anak na isa ring babae.

2. Miriam Quiambao

Taong 2018 ng ibahagi ng 43-taong gulang ng Filipino beauty queen na si Miriam Quiambao na siya at ang kanyang mister na si Ardy Roberto ay magkakaroon na ng panganay na anak, na ilang taon nga rin nilang hinitay mag-asawa. Isinilang ni Miriam ang panganay na anak nila noong buwan ng Pebrero taong 2019, at ito nga ay isang malusog na baby boy na pinangalan nilang Elijah.

Dalawang taon naman makalipas, ay muling inanunsyo ni Miriam sa publiko noong New Year’s Eve taong 2020 na ipinagbubuntis niya naman ang magiging ikalawang anak nila ng asawa. Itinuturing naman ni Miriam na ‘miracle baby’ ang ikalawa niyang anak, dahil sa 46-taong gulang na siya ng isilang niya ito. Pinangalanan naman ng mag-asawa na Ezekial ang kanilang ikalawang anak, na isa rin ngang lalaki na isinilang noong ika-12 ng Hulyo taong 2021.

3. Regine Tolentino

Buwan ng Marso taong 2020 ng ibunyag ng TV host-dancer na si Regine Tolentino na isinilang na niya ang kanyang pangatlong anak sa pamamagitan nga ng pagbabahagi ng larawan nito sa kanyang Instagram.
Ibinahagi niya na noong isilang niya ang kanyang ikatlong anak na pinangalanan niyang Rosie Rignee ay mayroon itong lagnat na umabot nga sa 39.9 degree celcius at mayroon ding pneumonia. Makalipas naman ang 10-araw na gamutan at pananatili sa hospital ay naiuwi na rin ni Regine ang anak sa kanilang tahanan.

4. Pokwang

Taong 2017 ng pansamantalang mamahinga sa sa trabaho ang comedienne-actress na si Pokwang. Ito ay dahil sa edad niyang 43-taong gulang ay kinakailangan niyang mag full bed rest para maging maayos at ligtas ang kanyang pagbubuntis sa kanyang pangalawang anak, na panganay na anak naman nila ng kanyang partner sa buhay na si Lee O’brian. Ang ikalawa ngang anak ni Pokwang ay pinangalanan niyang si Francine Malia, na isinilang niya noong taong 2018.

5. Aubrey Miles

Sa edad na 40-taong gulang ni Aubrey noong buwan ng Hulyo taong 2018 ay ipinagbuntis naman nito ang pangatlong anak nila ng asawa niyang si Troy Montero. Isinilang ni Aubrey ang 3rd baby nila noong buwan ng Disyembre ng kaparehong taon, at binigyan nga nila ng pangalang Rocket Miller.

Maliban kay Rocket Miller ay may dalawa ng anak si Aubrey, ang panganay nilang anak ni Troy na si Hunter at ang kanyang binata ng anak na si Maurie na panganay sa lahat na ang ama ay ang dati niyang partner, ngunit itinuturing na rin ni Troy na sarili niyang anak.

6. Regine Velasquez

Taong 2011 ng kumpirmahin ng 40-taong gulang noon na singer na si Regine Velasquez na siya at ang kanyang asawang si Ogie Alcasid ay magkakaroon na ng anak. Hindi naging madali ang pagbubuntis ni Regine, ngunit matapos nga ang ilang buwan ding pag-iingat sa kanyang ipinagbubuntis, ay ligtas at malusog niyang naisilang ang panganay nilang anak ng mister, at ito nga ay pinangalanan nilang si Nathaniel James.

Maliban sa anak ni Ogie sa asawa niyang si Regine Velasquez ay may dalawang babae pa itong anak, ito nga ay Leila at Sarah na ang ina ay ang dati niyang asawang si Michelle van Eimeren.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved