Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Masayang Pagdiriwang ng Pamilya Nina Andi Eigenman at Philmar Alipayo ng Ika-2 Taong Kaarawan ng Anak Nilang si Lilo

Para sa ika-2 taong kaarawan ng anak nilang si Lilo, ay naghanda ng isang simple ngunit masayang selebrasyon sina Andi Eigenman at Philmar Alipayo, kung saan ay inimbitahan nga nila ang ilan sa mga bata sa isla na kalaro ng kanilang anak.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Makikita sa Instagram account ng dating aktres na si Andi Eigenman ang naging pagbabahagi niya ng naging masayang selebrasyon nila ng kaarawan ni Lilo, at kung gaano nga ito nag-enjoy habang nakikisaya sa mga batang bisita nito.

“We were too excited for her, and she had no clue what was going on.”

“We all couldn’t wait to ding her a happy birthday, put a DIY bday girl crown on her band, light a candle on her favorite souffle pancakes (she didn’t know to blow) at or go-to breakfast place and enjoy the morning as a fam liked always, but making sure she knew that it was her special day”, ani ni Andi sa kanyang post.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Ayon nga kay Andi, sa kaarawan ng anak, umaga pa nga lang aya agad na nilang pinaramdam rito na espesyal ang araw na ‘yon para kay Lilo, kung saan ay inihanda nga niya ang paborito nitong souffle pancakes katulad ng ginagawa niya araw-araw, ngunit sa pagkakataon na ito, ay sinigurado niya na mas magiging espesyal dahil nilgyan niya ito ng candle upang magmukhang cake na ibo-blow ng kanyang anak. Ginawan rin ni Andi ng DIY bday girl crown si Lilo, na inilagay nga niya sa ulo nito.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Samantala, sa sumunod na post naman ni Andi, ay isana birthday message para sa anak ang kanyang ibinahagi.

“Our spunky, fun loving, super adorable little ball of energy is now 2.

“HAPPY BIRTHDAY LILO! Everyday with you by my side, seeing you grow into such a bravem sweet and wonderful girl, is a reminder of how truly blessed I am to have you in my life

“I am always so thankful for you. Our wonderful gift.

“You make life do much more worthwhile, and so brighter! Keep shining my little one
“Keep being you! We love you so, so much.”

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Sa isa pa ngang post ni Andi, ay ipinakita naman niya ang naging pagdiriwang nilang magpamilya sa kaarawan ni Lilo, kung saan ito nga ay naganap sa isang ‘open space area’ na nilagyan nila ng mga inflatables. Makikita rin na kasama na nila rito ang mga bata sa isla na madalas nakakalaro ng kanyang anak.

Credit: Andi Eigenmann | Instagram

Kitang-kita naman sa mga larawan kung gaano ka-enjoy ang mga batang naging bisita ni Lilo sa kanyang ika-2 taong kaarawan, at siyempre ang birthday girl na si Lilo ay mas doble ang kasiyahan at inenjoy ang espesyal na araw ng kanyang buhay.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved