Connect with us

Entertainment

Sa Kabila ng Tagumpay ng Kanyang Karera Kahit Siya’y Hindi Nakapagtapos ng Pag-aaral, Aktres na si Angel Locsin Aminado na Iba Pa Rin Kapag May Diploma

Si Angelo Locsin ay isa sa pinaka-hinahangaang personalidad sa mundo ng Philippine showbiz industry. Hindi lang dahil sa kanyang angking husay at talento bilang isang aktres, kundi dahil na rin sa ipinamalas niyang kabutihang loob sa mga mamamayan, lalo na sa mga taong nangangailangan.

Credits: Google | Image

Hindi maikakaila na sa tagal ni Angel sa industriya ng showbiz, ay malayo na nga talaga ang narating ng kanyang karera. Ngunit sa kabila nito, ay inihayag ng aktres kamakailan lamang na kahit malayo na ang narating niya sa buhay, ay iba pa rin umano kapag may diploma sana siya. Inamin nga ng aktres na dahil sa naging maaga niyang pagsabak sa mundo ng showbiz, ay hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Nito nga lamang nakaraan ay naging guest si Angel sa podcast ni Matteo Guidicelli na MattRuns sa Spotify, at dito nga ay napa-throwback ang aktres at inamin na hindi siya nakapagtapos n high school.

Credits: Google | Image

Sa nasabing programa nga, ay naitanong ni Matteo kay Angel kung saan nakikita ng aktres ang kanyang sarili kapag lumipas pa ang ilang taon sa buhay nito.

At ito nga ay sinagot naman ni Angel na, marahil sa ilang taon pang lilipas ay nakikita na niya ang sarili niya na mayroon ng sariling pamilya at mga anak.

Kasunod nito ay ang katungan naman ni Matteo sa aktres na, kapag ito ay isang ina na, papayagan a nito na ang magiging anak nila ni Neil Arce na papasukin rin ang mundo ng showbiz.

Ayon kay Angel, papayagan niya ang magiging anak niya na pasukin ang mundo ng showbiz kung talagang naisin nito, ngunit mas bilang ina, ay mas gugustuhin umano nito ang maging priority ng kanyang mga magiging anak sa ‘future’ ay ang pag-aaral ng mga ito.
Pahayag ng aktres, iba pa rin kasi ang tao kapag may diploma at nakapagtapos ng pag-aaral, at alam niya kahalagahan nito lalo na’t siya mismo ay hindi nakakamit ng sariling diploma dahil hindi siya nakatapos ng pag-aaral.

Credits: Google | Image

“Kasi hindi ako graduate eh. Alam ko kung gaano kaimportante ‘yung pag-aaral”, ani Angel.
Dagdag pa ni Angel, sa tagumpay na narating niya ngayon sa kanyang buhay ay masasabi pa rin niya na iba pa rin talaga kung may diploma. Dahil ang diploma, ang pinag-aralan ng tao ay pwede mong madala kahit saan at ito ay hindi ninoman mananakaw sayo.

“Alam ko may mga achievements ako pero iba pa rin talaga ‘yung may diploma ka. pwede mo iyon dalhin kahit saan ka. Hindi ‘yun mananakaw sa’yo”, saad pa ni Angel.

Ibinahagi naman ni Angel ang isa sa mga pinaka-rason kung bakit pinasok niya ang pag-aartista, at ayon nga sa Kapamilya actress-TV host ay nag-artista siya upang makaipon ng pera na para sa magiging operasyon ng kanyang ama noon.

Credits: Google | Image

Kuwento pa ng aktres, dalawang taon lamang talaga ang plano niya sa pagtatrabaho bilang artista, at kapag nga siya’y nakaipon na ay magki-quit na umano siya sa showbiz, ngunit dahil sa mga nakatrabaho niya noon sa ilang mga proyekto niya na mga beteranong aktor at aktres ay nabago nga ang kanyang desisyon at nagpatuloy nga sa nasimulan niyang karera.

Samantala, hanggang sa ngayon ay nanatiling Kapamilya star si Angelo Locsin, ngunit mas nakatuon muna siya sa kanyang personal na buhay ngayon, lalo na nga ang nalalapit na pagbuo nila ng sariling pamilya ng kanyang fiancée na si Neil Arce.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved