Connect with us

Entertainment

Silipin ang Naging Masayang Pagdiriwang ng Ika-44 Taong Kaarawan ng Aktres na si Sunshine Cruz, Tila Hindi Tumatanda

Ang aktres at singer na si Sunshine Cruz, ay isa nga sa hinahangaang mukha sa industriya ng showbiz na taglay ang maganda at maamong mukha. Magmula noong kasagsagan ng kanyang karera sa showbiz hanggang sa kasalukuyan, ay tila hindi nagbago ang hitsura ni Sunshine dahil mukhang bata pa rin siyang tingnan.

Photo credits: Sunshine Cruz | IG

Isa nga si Sunshine sa mga artista sa showbiz na kahit lumipas na ang panahon, ay tila hindi tumatanda at kumukupas ang angking kagandahan. Sa katunayan nga nito, ay marami na rin ang nagsabi na tila kapatid lamang ni Sunshine ang kanyang tatlong anak na ngayon nga ay pawang mga dalaga na, kapag kasama niya sa mga litrato.

Photo credits: Sunshine Cruz | IG

At kamakailan lamang ay muling nadagdagan ang edad ng aktres at ngayon nga ay 44 taong gulang na. Sa pagdiriwang ng kanyang ika-44 taong kaarawan ay nagkaroon ng simpleng selebrasyon ang kanilang pamilya sa loob ng kanilang tahanan.

Photo credits: Sunshine Cruz | IG

Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ni Sunshine ang mga larawan na kuha sa kanyang simple ngunit masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Ang espesyal na araw na ito ng aktres ay dinaluhan lamang ng mga taong malalapit sa kanya.

Photo credits: Sunshine Cruz | IG

Hindi naman nawala sa selebrasyon ng kaarawan ni Sunshine ang boyfriend nitong si Macky Mathay na palaging nakasuporta sa kanya. At para sa kaarawan ng kanyang minamahal na si Sunshine ay niregaluhan niya ito ng isang gold na kwintas na siyang ibinahagi naman ng aktres sa kanyang IG stories.

Hindi rin naman nakalimutan ng tatlong dalagang anak ni Sunshine ang pasayahin ang kanilang ina sa espesyal na araw na ito, kung saan nga ay nagbigay sila ng bulaklak at hikaw.

Photo credits: Sunshine Cruz | IG

Sa caption naman ng kanyang post kalakip ang mga kuha ng larawan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, ay ipinaabot ni Sunshine ang kanyang pasasalamat sa kanyang pamilya sa ibinibigay na pagmamahal sa kanya.

“44! ☺️ Blessed and grateful to have the best gift one can ever have, the love of family. Words will never be able to express how much you all mean to me!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Makikita naman sa larawan ang masayang ngiti sa mukha ng bawat isa na masaya sa pagdiriwang ng kaarawan ni Sunshine dahil sila’y nagkasama-sama. Samantala, tulad ng inaasahan, nang magkasama sa iisang litrato si Sunshine at ang kanyang mga anak, ay tila nga hindi nagkakalayo ang mga edad nila at nagmistulang magkakapatid lamang. Napakaganda naman talaga ni Sunshine at blooming na blooming rin ang kanyang awra ngayon.

Photo credits: Sunshine Cruz | IG

Si Sunshine ay ikinasal sa aktor na si Cesar Montano noong September 2000, ngunit ito’y nauwi sa hiwalayan. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong babaeng anak, sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Sa ngayon ay masaya na ang puso ni Sunshine sa piling ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay na tumatayo ring ama sa kanyang mga anak.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved