Connect with us

Entertainment

“Minsan umiinit talaga ulo ko” Mga Mommy Relate sa Buhay Mom ni Lara Quigaman, Lalo na Pag Magpapakuha ng Larawan Kasama ang Kanyang mga Anak

Nito lamang nakaraan ay may naging post si Miss International 2005 Lara Quigaman, patungkol sa kanyang buhay mommy, na panigurado ngang makaka-relate sa maraming mga nanay na tulad niya.

Credits: Lara Quigaman | Instagram

Tunay nga na ang mga ina, ay hindi maiiwasan na magkaroon ng are-parehong karanasan sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang mga anak. Kaya naman talagang maraming naka-relate kay Mommy Lara, ng ibahagi nito sa social media na talaga daw hindi naiiwasan na uminit ang kanyang ulo tuwing nagpapakuha ng larawan na kasama ang kanyang mga anak.

Batid naman natin na ang celebrity mom at kanyang mister na si Marco Alcaraz ay mayroon ng tatlong mga anak na puro lalaki, ito nga ay sina Noah, Tobias Nolan at Moses.

Ibinahagi ni Lara sa kanyang Instagram post nito lamang nakaraang ika-14 ng Hulyo ang kanilang ‘family photo’, na ayon nga sa beauty queen ay ‘candid’ dahil sa naging mood ng kanyang mga anak habang kinukuhanan sila ng litrato.

Credits: Lara Quigaman | Instagram

“Taking a family photo with young kids is sooooo difficult! Yung isa napu—poo poo, yung isa naman tired daw siya, at yung isa, gustong dumede palagi. And every wants to be with mommy! Minsan umiinit talaga ang ulo ko”, paunang saad ni Larah sa caption ng kanyang IG post.
Dagdag pa niya kasabay ng pag-mention sa asawa niyang si Marco, “Buti na lang mabait ang pinapanganay ko at mahilig magpapicture.”
At upang maging maayos pa rin naman para sa kanya ang naging larawan nila ng pamilya, ay sinabi na lamang ng ani Lara na, “the best photo are the candid ones.”

Credits: Lara Quigaman | Instagram

Ang naging post nga na ito ni Lara ay naging agaw-pansin sa marami, lalo na nga sa kanyang mga kapwa nanay na nakakaranas rin ng ‘struggle’ sa pagpapa-picture kasama ang mga anak. May isa pa ngang netizens ang nagsabi, na parehos sila ni Larah, na panay lalaki ang anak kaya naman tinawag niyang ‘boys mom’ ang sarli.

Credits: Lara Quigaman | Instagram

Sa post naman na ito ni Larah, ay makikita na nagbigay ng komento ang kanyang mister na si Marco, na nagsabi ngang, “TeamMommy! We love you mom!!!”
Ayon sa obang mga ulat, ang larawan na ito na ibinahagi ni Lara sa kanyang Instagram ay kinunan sa isang resort sa Cebu, kung saan ay ipinagdiwang nilang buong mag-anak ang kaarawan ni Marco.

Credits: Lara Quigaman | Instagram

Matatandaan na taong 2011 ng ikasal ang mag-asawang Lara Quigaman at Marco Alcaraz. At isang taon lamang matapos ang kanilang kasal ay isinilang n ani Lara ang panganay na anak nilang mag-asawa na si Noah. Taong 2018 naman ng isinilang ang ikalawa nilang anak na si Tobias Nolan, at noon nga lamang nakaraang taong 2020 dumating naman sa kanilang pamilya ang bunsong anak nila na si Moses.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved