Connect with us

Entertainment

Dahil sa Taglay na Kakyutan, Anak ng Celebrity Couple na Sina Coleen at Billy na si Baby Amari Clothing Brand Endorser na Ngayon

Kabilang sa mga celebrity babies ngayon na talaga namang kinagigiliwan at kinaaliwan ng marami dahil sa kanyang taglay na kakyutan ay ang anak ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na si Baby Amari Jaden.

Credits: Billy Crawford | Instagram

Sa murang edad ni Baby Amari ay kita na nga ang karisma nito, kaya naman hindi na kataka-taka sa marami ng kamakailan nga lamang ay ibahagi ng mag-asawang Coleen at Billy na ang kanilang anak ay isa na ngayon sa mga endorser ng isang kilalang clothing brand.

Bilang mga magulang ay proud at labis ang kasiyahan ng celebrity couple para sa panibagong milestone na ito ng kanilang anak, kung saan ito nga ay isa ng clothing brand endorser ngayon Moose Gear clothing.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

Nito lamang nakaraan ay kinumpirma nina Coleen at Billy sa kani-kanilang Instagram account na ang anak nga nilang si Baby Amari ang bagong mag-eendorso ng mga damit pang bata ng isa sa mga sikat na clothing brand sa ating bansa, at ito nga ay ang Moose Gear.

Makikita rin sa IG ng mag-asawa ang naging pagpapasilip nila ng ilang mga nagkukyutang larawan ni Baby Amari para sa kanyang kauna-unahang proyekto niya bilang isang endorser.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

Sa mga larawan nga ni Baby Amari ay talagang kanyang ipinamalas ang kanyang kakyutan, lalo na nga ang mga larawan niya kung saan ay makikitang siya’y tila naka-finger hand at ang isa namang larawan ay naka-thumbs up siya, na talaga namang napaka-kyut niyang tingnan.

Mayroon ding larawan si Baby Amari na tila siya’y kumakaway sa kanyang mga fans. Kitang-kita rin sa bawat larawan niya ang pagiging isang masayahin niyang bata, dahil sa palagi nga itong nakangiti at tila game na game pa sa bawat ipinapagawa sa kanya.

Ibinahagi naman ni Coleen sa kanyang IG post ang pasasalamat niya sa clothing brand na Moose Gear dahil sa ibinigay nitong tiwala sa kanilang anak bilang bagong mukha nga ng kanilang cloting brand.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

“Say Hi to the @moosegearkids family’s newest and youngest member! Thank you for welcoming Amari, with so much love! It’s a kid brand, but he’s been wearing Moose Gear since he was just a few months old”, ang naging saad ni Coleen sa kanyang IG post.

Sobrang proud din naman si Billy para sa kanyang anak na si Baby Amari. At tila nga naipasa ni Billy sa anak ang kanyang karisma na maging isang endorser ng nasabing clothing brand, sapagkat noon ngang bata pa si Billy ay isa rin siya sa mga naging endorser noon ng Moose Gear, noon ngang taong 1988.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

“In 1988, I became one of the first endorser of @moosegearkids, and now I am proud to share that our little ray of sunshine is the newest and youngest addition to the family. Congratulations, little man!”, ani naman ni Billy.

Marami naman sa mga netizens ang talagang natuwa para sa pagiging bagong endorser ni Baby Amari ng Moose Gear clothing brand.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved