Connect with us

Entertainment

“And be with you growing up”:Paulo Avelino, ang Tanging Hiling ay ang Makasama ang Anak nila ni LJ Reyes na si Aki

Ang relasyon ng dating magkasintahan na sina LJ Reyes at Paulo Avelino, ay hindi nagtagal at nauwi sa hiwalayan. Ang kanilang pag-iibigan ay nagbunga ng isang lalaking anak na pinangalanan nilang Aki.

Sa ngayon ay nasa poder ni LJ ang kanilang anak ni Paulo kung saan ay katuwang niya sa pagpapalaki ang kanyang partner na si Paolo Contis. Ngunit, tila matagal nang hindi nakikita at nakakasama ni Paulo ang kanilang anak ni LJ at miss na miss na ng aktor ang gwapong bata.

Sa social media ay ibinahagi ng award winning actor ang isang madamdaming mensahe para sa kanyang anak na si Aki kung saan mababakas ang pangungulila ng isang ama sa kanyang anak.

Isa sa naging post ni Paulo sa Twitter, ay ang pagbati nito sa kaarawan ng kanyang anak na masayang nagdiwang noong ika-24 ng Hulyo. At makikita na pawang throwback photos lamang ang larawang ibinahagi ng aktor sa kanyang post. Ito nga ay dahil walang bagong kuha ng picture na magkasama ang mag-ama. Sa ibinahagi niyang larawan ay makikitang batang-bata pa si Aki. Nilakipan naman niya ito ng caption na:

“Baby boy. Birthday boy. Love you forever. (Infinity sign).”

Kahit sa Instagram ay throwback photo parin ni Aki ang ibinahaging larawan ng aktor. Dito naman ay ipinaabot na ni Paulo ang kanyang pangungulila sa kanyang anak, kung saan nga ang tanging hangad ay makasama ng madalas ang kanyang anak. Kasabay ng sweet na pagbati ni Paulo, ay ang mensaheng puno ng pagmamahal para sa kanyang anak.

“Happy Birthday to my forever baby Aki. I want nothing but spend more time with you and be with you growing up. I love you forever,” ang mensahe ni Paulo sa anak nila ni LJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paulo Avelino (@pauavelino)

Samantala, ay isang video naman ang ibinahagi sa Paulo sa Instagram kung saan makikitang sumasayaw si Aki. Ngunit, ang nasabing video ang hindi malinaw kung siya ang kumuha o kung personal na nakasama ni Paulo si Aki sa kaarawan nito.

Matatandaan naman na noong 2017, ay kumalat ang balita na wala umanong oras si Paulo sa kanyang anak, dahil palagi raw itong busy. Ngunit, ang paratang na ito ay mariing itinanggi ng aktor sa isang panayam at sinabing pagdating sa kanyang anak ay hindi umano siya nawawalan ng oras dahil lagi siyang handang makasama ito.

“Basta para sa anak ko, gagawa ako palagi ng oras. Gagawa at gagawa ako ng oras para sa anak ko. Mahal na mahal ko ang anak ko. At lagi akong available para sa anak ko.”

“I’ve always wanted to be a father first, but maraming komplikasyon, maraming misunderstandings. But I’ve always wanted to be a father first,” ang sabi pa ng aktor

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved