Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Engrandeng 1st Birthday Celebration ng Unica Hija ni Ethel Booba na si Baby Michaela

Parang kailan nga lamang ng ibalita ng komedyanteng si Ethel Booba na isinilang na niya ang kanyang anak, at ito nga ay pinangalanan nila ng kanyang asawa na si baby Michaela. At tila nga kay bilis ng panahon, dahil ang munting sanggol na parang kailan lang isinilang ng komedyante, ay tumuntong na sa isang taong gulang ngayon.

Credit: Ethel Booba | Instagram

Isang engrande at masayang selebrasyon ang naging pagdiriwang ng unang kaarawan ng unica hija ni Ethel Booba, na si baby Michaela.
Sa bagong vlog na ini-upload ni Ethel ay nagbigay pasilip siya sa naging kaganapan sa unang taong kaarawan ng kanyang anak. Makikita rin na may ilan sa malalapit na kaibigan ni Ethel na dumalo sa nasabing pagdiriwang at nakisaya nga sa kanilang pamilya para sa espesyal na okasyon ng kanyang unica hija.

Credit: Ethel Booba | Instagram

Ang nasabing ika-1 taong kaarawan ng unica hija ng komedyante na si baby Michaela ay ipinagdiwang sa Aquila sa Tagaytay, kung saan ay talaga namang bongga ang naging handaan.

Naging makulay pa lalo ang pagdiriwang ng kaarawan ni baby Michaela dahil sa tema nitong candy party theme, kung saan nga iba’t ibang mga dekorasyon at palamuting hugis at mukhang candy ang makikita sa buong lugar na pinagdausan ng okasyon.

Credit: Ethel Booba | Instagram

Kamangha-mangha rin naman ang naging outfit ni baby Michaela at ng ina niyang si Ethel Booba, dahil ibinagay rin ito sa tema ng okasyon. Si Ethel ay makikitang nakasuot ng sexy tutu outfit na may disenyong mga candy, at ganito rin nga ang disenyo ng kasuotan ni baby Michaela.

Bongga rin ang cake ni baby Michaela sa kanyang kaarawan dahil sa ito ay 6-layers cake na may napakagandang candy theme rin ang disenyo. Kitang-kita nga kay baby Michaela ang labis nitong kasiyahan na makita ang makulay na mga dekorasyon sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Credit: Ethel Booba | Instagram

Samantala, sa Instagram account naman ni Ethel ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng pasasalamat sa lahat ng kapamilya at kaibigan niya na tumulong at dumalo upang maging masaya ang 1st birthday party ng kanyang anak.

“Thank you for coming everyone @donna @sirwil75 @donitanose The GRANDEST BIRTHDAY Celebration” saad ni Ethel sa caption ng kanyang post.

Credit: Ethel Booba | Instagram

Ilan nga sa mga personalidad sa showbiz na malapit kay Ethel na makikitang dumalo sa kaarawan ng kanyang anak ay sina Donnalyn Bartolome, Donita Nose at Wilbert Tolentino.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved