Connect with us

Entertainment

Ang Bahay ng Kanyang Amang si Robin sa Fairview ang “New Place” Ngayon ng Aktres na si Kylie Padilla at Kanyang Dalawang Anak

Isa sa mga mainit na balita na lumabas kamakailan lamang ay ang isyu patungkol sa hiwalayan ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Marami naman sa mga tagahanga ng dalawa ang talagang ikinagulat ang balitang ito, lalo na nga ng ito ay kumpirmahin ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Credit: Kylie Padilla | Instagram

Ilang linggo nga lamang ang lumipas matapos ang naging kumpirmasyon ni Robin tungkol sa paghihiwalay ng anak niyang si Kylie sa asawa nito, ay ibinida naman ng aktres noong ika-10 ng Hulyo sa kanyang social media account na sila ng dalawang anak nila ni Aljur ay lumipat na sa kanilang bagong tahanan.

Sa kabila nito, ay wala namang iba pang detalye na binanggit si Kylie, ni hindi niya nabanggit na mula sa dating townhouse ni Aljur sa Scout Area, Quezon City kung saan sila nanirahang pamilya noon, ay umuwi na siya kasama ang dalawa niyang anak sa bahay ng kanyang amang si Robin na matatagpuan sa Fairview, Quezon City noon pa ngang buwan ng Marso.

Credit: Kylie Padilla | Instagram

Ayon nga sa lumabas na ulat, ang ‘new place’ na tinutukoy ni Kylie ay ang tahanan ng kanyang amang si Robin, na ngayon nga ay tinutuluyan nila ng kanyang mga anak.

Samantala, may mga balita naman na lumabas na ang aktor na si Aljur Abrenica ay umalis na rin sa kanyang townhouse na naging saksi nga sa short-lived relationship nil ani Kylie Padilla. Ang aktor umano ngayon ay nakatira sa Batangas City, sa bahay ng kanyang mga magulang.

Credit: Kylie Padilla | Instagram

Kahit naman lumabas ang ulat na ito, ay wala namang kumpirmasyon patungkol dito mula kay Aljur, dahil hanggang ngayon nga ay nanatiling tikom ang bibig nito at walang anumang detalyeng inilalabas matapos nga ang nangyari pagsisiwalat ni Robin Padilla sa totoong estado ng relasyon nila ngni Kylie.

Bilang isang ama ay hindi umano nagkulang si Robin ng suporta sa kanyang anak na si Kylie. Sa katunayan ay ito umano ang nag-asikaso ng magiging tahanan ng kanyang anak at ma apo matapos nga nitong iwanan ang dati tirahan nila ng kanyang asawa. Sinabi rin ni Robin na kung siya ang tatanungin ay mas gusto niya na magkasundo at maayos ang problema sa pagitan ng kanyang anak at manugang.

Credit: Kylie Padilla | Instagram

Nang magbahagi naman si Kylie sa kanyang Instagram ng isang appreciation post, ay naging kapansin-pansin sa lahat na tanging ang ina lamang nito na si Liezl Sicangco ang pinasalamatan nito.

“Wala lng. I just want you to know how much I appreciate you ma. All your sacrifices. Thank you for all of it. I love you nanay. I love you. I love you. I love you.”

Ang post na ito ni Kylie ay ipinagtaka ng mga netizens, dahil hindi pa siya naglalabas ng anumang appreciation message para sa ama niyang si Robin.
May lumabas naman na ulat na na magtatambal umano sa Lolong sina Kylie at Ruru dahil sina Shaira Diaz at Arra San Agustin ang mga lead actress sa bagong primetime series ng GMA Public Affairs, ngunit ayon sa isang production insider ito ay isang “fake news”.

Si Kylie Padilla ay isa sa mga contract star ng GMA Artist cebter, ngunit ayon nga sa isang malapit sa aktres wala pang anumang proyekto ngayon na nakalinya para sa aktres, kaya naman huwag maniwala sa mga lumalabas na balita.

Credit: Kylie Padilla | Instagram

Ang balita tungkol sa muling pagsasama nina Kylie at Ruru sa isang proyekto ay lumutang matapos kumpirmahin ni Robin na hiwalay na ang kanyang anak sa asawa nitong si Aljur Abrenica.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved