Connect with us

Entertainment

Napakacute na Anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Ziggy, Kinagiliwan Sa Kanyang Pagkanta ng Bahay Kubo at Ako Ay May Lobo

Sadyang nakakaaliw naman talaga ang mga cute at bibong bata. Ang mga munting bata nga ang nagbibigay satin ng saya at goodvibes sa tuwing ipinapamalas nila ang kanilang kacutan at kabibohan na talaga namang ating pinanggigigilan.

Mapalad ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil isa sila sa mga magulang na biniyayaan ng hindi lamang gwapo at magandang mga anak, kundi taglay rin ang natatanging talento na walang duda na namana sa kanilang mga magulang. Ang mag-asawang Dingdong at Marian, ay biniyayaan ng dalawang anak na talaga namang malaartistahin rin ang looks na sina Zia at Ziggy.

Photo credits: teamdantes | IG

Hindi naman maitatanggi na talagang proud parents ang DongYan sa kanilang mga anak kaya naman madalas rin nilang ibahagi sa social media ang taglay na kabibohan at talento ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga larawan at video.

At kamakailan lamang nga, ay agaw atensyon sa social media ang cute na cute na performance ng bunsong anak ng celebrity couple na si Jose Sixto Dantes IV o Ziggy na talaga namang hinahangaan at kinaaaliwan ngayon ng mga netizens. Sa murang edad ay kapansin-pansin na ang kagwapuhang taglay ni Ziggy kaya naman mas marami ang humahanga sa munting bata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)

Ang isang video na ibinahagi ng fan page ng DongYan, ay pinabilib ni Ziggy ang publiko sa kanyang cute at nakakaaliw na pagkanta ng children song na “Bahay Kubo” at “Ako ay May Lobo”. Mapapanood sa video na nakasuot na asul na tshirt ang gwapong bata habang hawak sa isang ang mikropono.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)

Bagama’t hindi pa gaanong kabisado ng gwapong bata ang awitin, ay kapansin-pansin naman ang pagiging seryoso nito habang kumakanta at sinasabayan ang videong nakaplay sa kanyang harapan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)

Hindi rin alintana ni Ziggy ang mga taong nakapaligid sa kanya, sa halip nga ay nakatuon lamang ang kanyang pansin sa kanyang pag-awit kung saan ay makikitang enjoy na enjoy sa kanyang ginagawa.

Tila nga kaybilis ng paglipas ng panahon dahil ang cute na baby noon na inaalagaan ng celebrity couple, ay isa ng bibo at napakaaktibong bata ngayon na nagsisimula ng ipamalas ang natatagong talento.

Ang napakacute na pagpapakitang gilas ng talento ni Ziggy sa video na ito, ay inulan naman ng komento na puno ng papuri at paghanga mula sa mga netizens na talaga namang pinanggigilan ang kanyang kacutan.

“Galing umawit ni baby Ziggy saulado na niya ang Bahay Kubo at Ako ay May Lobo”

“Very cute naman ni Baby Sixto”

“Yeheeeyyy galing naman ni Baby Sixto”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved