Connect with us

Entertainment

“There was a fight”, Dani Barretto Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit 7-Taon na Silang Hindi Nagkikibuan ng Kanyang Amang si Kier Legaspi

Wala nga namang perpektong relasyon sa mundo, ito man ay sa relasyon ng dalawang taong nagmamahalan, relasyon ng magkaibigan o magkapatid, o relasyon ng anak sa kanilang mga magulang. Lahat nga naman ay nakakaranas ng tampuhan o hindi pinagkakasunduan, ngunit ito ay naayos lamang sa pamamagitan ng pag-uusap at pag-iintindihan.

Credit: Dani Barretto | Instagram

Halimbawa na nga lamang nito ay ang relasyon ng mag-amang Dani Barretto at Kier Legaspi, kung saan nito nga lamang nakaraan ay inamin ni Dani na 7-taon na rin silang hindi nagkikibuan ng kanyang ama, at ito nga ay dahil sa pagkakaroon nila ng hindi pagkakaintindihan.

Sa isang panayam ng celebrity doctor na si Vickie Belo kay Dani, ay dito napag-usapan nila ang patungkol sa relasyon ni Dani sa kanyang amang si Kier. Batid naman ng marami sa atin na si Dani Barretto ay lumaki sa pag-aaruga ng kanyang ina, at halos solo nga siyang pinalaki nito.

Credit: Dani Barretto | Instagram

Ibinahagi ni Dani na bilang isang anak, ay talaga namang naramdaman niya ang pangungulila sa isang ama, kaya naman nu’ng siya ay malaki na ay gumawa siya ng paraan na makasama at mas makilala pa ang personalidad ng kanyang amang aktor.

“Because I knew that he was just around eh. I knew that hindi naman siya OFW,” ani Dani.
Dagdag pa niya, “Pero parang when I got older and like when I had more freedom na to reach out to him and see him, I did, I tried. I reached out to him.

Credit: Facebook | Instagram

Kuwento pa ni Dani, naranasan niya ring makasama sa iisang bubong ang kanyang ama, dahil tumira siya rito ng tatlong buwan upang mas makilala nga niya ito at maka-bonding niya.

“At one point, I actually lived with him pa for three months. I was 19,” saad pa ni Dani.
“It was like a very dark phase in my life and at that time, I wanted to get to know him. Parang I wanted a different point of view. Parang I lived with my mom all my life. Parang I wanted naman to try to know my dad. So, I lived with him for three months,” ani pa nito.

Credit: Facebook | Instagram

Sa una nga ay talagang naging masaya ang samahan ni Dani at ng kanyang amang si Kier, ngunit makalipas nga ng tatlong buwan ay dun sila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan mag-ama na nauwi nga sa hindi nila pag-uusap na umabot ng 7-taon.

Samantala, ayon kay Dani, ngayon ay unti-unti na rin nilang naayos ng kanyang ama ang naging tampuhan nila. Ibinahagi pa nga niya na dapat ay magkikita sila, upang makita ng ama niya ang apo nito sa kanya, ngunit dahil nga sa pagkakaroon ng pandemya ay naudlot ito.

Credit: Dani Barretto | Instagram

Matatandaan naman sa ibinahaging vlog ni Dani noong taong 2019 ay ibinahagi niya kung bakit nu’ng ikasal siya ay ang kanyang ina lamang na si Marjorie ang nag-iisang naghatid sa kanya sa altar, na ayon nga kay Dani ay dahil sa ‘deserve’ ito ng kanyang ina lalo pa’t ito ang mag-isang nagtaguyod sa kanya.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved