Connect with us

Entertainment

Silipin ang Pool Party Celebration ng 1st Birthday ni Baby Alana, Ang Unica Hija nina Iyah Villania at Drew Arellano

Talaga namang napakabilis ng paglaki ng isang sanggol, at sa bawat oras at araw nga ay hindi natin namamalayan na ang dating kinakalong at hine-hele lang na sanggol ngayon ay isa na ngang ganap na bata na unti-unti ng natutunan ang ilang mga bagay sa mundo.

Credit: Drew Arellano | Instagram

Ganito nga naging kabilis para sa TV host na si Iyah Villania ang paglaki ng bunsong anak at unica hija nila ng asawa niyang si Drew Arellano na si Baby Alana Lauren, na kung saan ay hindi nga niya namalayan ang naging matuling paglipas ng mga araw dahil ngayon ang kanilang hine-hele na baby noon ay nagdiwang na nga ng ika-1 taong kaarawan nito.

Credit: Drew Arellano | Instagram

Nito nga lamang ika-18 ng Hulyo, araw ng Linggo ay nagdiwang na ng 1st Birthday ang unica hija ng mag-asawang Iyah at Drew na si baby Alana. At makikita sa Instagram na ibinahagi ng kanyang mga magulang, na isang ‘pool party’ ang naganap na selebrasyon para sa kaarawan ni baby Alana.

Credit: Drew Arellano | Instagram

Sa Instagram account ng host na si Drew Arellano, ay kanyang ipinasilip ang masayang pool party birthday celebration ng anak niyang si Alana sa pamamagitan nga ng isang video post.

“Thanks for celebrating my birthday with me, dear neighbors. I hope next time though Papa shoots more material -alanalaurenarellano”, ang naging saad ni Drew sa caption ng video.

Maliban pa dito ay nagbahagi rin siya ng ilang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng kaarawan ng kanyang unica hija.

“Happy 1st orbit, my sweetheart”, caption naman niya sa mga larawan.

Bumuhos naman ang maraming pagbati para sa kaarawan ni Baby Alana sa post ni Drew, ang iba ay mula sa kanilang malalapit na kaibigan sa industriya ng showbiz, at mayroon ding mga pagbati na mula sa mga tagahanga nila ng kanyang asawang si Iya Villania.

Credit: Drew Arellano | Instagram

Sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, Camille Prats, Sam Valenciano, Bianca Manalo at Ryan Agoncillo ang mga artista na nagkomento at bumati para sa kaarawan ni baby Alana.

Sa kabilang banda, ang misis naman ni Drew na si Iyah ay nagbahagi ng larawan nilang mag-ina, kung saan ay makikita nga na karga niya ang sanggol pa lamang noon na kanyang baby girl. Sa caption nito, ay inilahad ni Iyah na hindi siya makapaniwala sa mabilis na paglaki ng anak.

Credit: Iya Villania- Arellano | Instagram

“Can’t believe it’s already been a year! Kailan lang, this little girl was in my belly!”, caption ni Iyah.

Ang mag-asawang Iyah Villania at Drew Arellano ay may tatlo na ngang anak, dalawa sa mga ito ay lalaki na sina Primo (4) at Leon (2), ang bunso naman nila ay ang isang taong gulang na nga ngayon na si Baby Alana na siyang unica hija ng pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved