Connect with us

Entertainment

Pre-Nuptial Photoshoot Nina Kris Bernal at Kanyang Fiancée Kinakiligan ng mga Netizens

Buwan ng Mayo taong 2020 ng lumabas sa balita na ang aktres na si Kris Bernal ay engage na sa kanyang karelasyon na isang chef-businessman na si Perry Choi.

Credit: Kris Bernal | Instagram

Ngunit naibunyag din na buwan ng Pebrero pa ng nasabing taon ng mag-prupose kay Kris si Perry, kung saan dapay ay bibigyan niya ng sorpresa ang kasintahan ngunit ang hindi niya inaasahan ay ito pala ang may pinakamalaking sorpresa sa kanya, at ito nga ay ng hingin nito ang kanyang mga kamay upang maging asawa nito.

Isang taon na nga makalipas ng ibalita ang pagiging engage ng dalawa, at ngayong taon nga, buwan ng Hunyo dapat ang nakatakdang skedyul ng pag-iisang dibdib nina Kris at Perry. Ngunit dahil nga sa pagkakaroon ng pandemya ay nabago kung ano man ang mga nakaplano na nila dapat sa kanilang kasal.

Credit: Kris Bernal | Instagram

Sa kabila nga ng hindi natuloy na kasal ng dalawa noong buwan ng Hunyo, ay minabuti naman nila na ituloy ngayong taon ang kanilang prenup photo shoot at ito nga ay ini-upload sa social media sa mismong araw na dapat ay nakatakda ang pag-iisang dibdib nila.

Nito nga lamang nakaraang buwan ng Hunyo ay makikita sa Instagram account ni Kris Bernal at ng Nice Print Photography ang pagbabahagi nila ng mga larawan na kinunan sa naging prenup photo shoot ng magkasintahan.

Credit: Kris Bernal | Instagram

Makikita sa prenuptial photo shoot nina Kris at Perry ang ka-sweetan nilang dalawa base na rin sa mga naging pose nila na nagpapakita rin kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Kinagiligan naman ng mga netizens ang prenup ng magkasintahan.

Samantala, hinahangaan naman ng marami ang kakaibang tema ng prenup nina Kris at Perry. Ang naging tema kasi nito ay all-white na mas nagbigay ng engrande at formal ‘look’ dito. Mas lalo namang naging maganda ang larawan, dahil sa ipinakitang saya ng magkasinatahan.

Credit: Kris Bernal | Instagram

Naging kapansin-pansin naman sa lahat ang suot ni Kris sa prenup photoshoot nilang ito, kung saan siya ay nakasuot ng ivory double-breasted suit at flared pants na all-white rin na very unusual nga naman sa mga nagiging prenuptial photos ng mga soon to be bride.

Ibinahagi naman ni Kris na hindi talaga ito ang una nilang plano para sa kanilang prenup, dahil dapat ay sa South Africa kung saan matatagpuan ang Safari gagawin ang kanilang prenup photoshoot lalo pa’t lahat nga ng kanilang naplano ay talagang handa na, ngunit dahil nga sa pagkakaroon ng pandemya ay minabuti nila na magkaroon na lamang ng iba pang plano.

Credit: Kris Bernal | Instagram

Upang kahit papano nga ay maging malapit pa rin sa unang plano nila ang maging prenup nila, ay naghanap sina Kris at Perry ng lugar na medyo kamukha ng magiging tema dapat nila na South African ambiance at ito nga ay kanilang natagpuan sa Nasugbu, Batangas na isang secluded glamping site na may luxurious geodesic dome tents kung saan nga naganap ang kanilang prenup photo shoot.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved