Connect with us

Entertainment

Baby Girl ni Kapuso Actress Sheena Halili na si Martina, Napaka-Kyut sa Kanyang Mala-Pocahontas Theme 7th Month Birthday Celebration

Sa panahon ngayon ay usong-uso na nga na ang bawat buwanang kaarawan ng isang sanggol ay talaga namang pinaghahandaan ng kanyang mga magulang, ito nga ay bilang isa na ring simbolo ng pasasalamat sa biyayang buhay na patuloy na ibinibigay ng Diyos sa sanggol.

Credit: Sheena Halili | Instagram

Kagaya na nga lamang nito ay ang napakagandang celebrity mommy na si Sheena Halili, na talaga namang pinaghahandaan ang bawat buwanang kaarawan ng kanyang first baby, na si Martina.

Matatandaan na noon lamang ika-12 ng buwan ng Disyembre noong nakaraang taon ng isilang ni Kapuso actress Sheena Halili ang panganay na anak nila ng kanyang mister na si Atty. Jeron Manzareno, kung saan ito nga ay isang baby girl na pinangalanan nilang Martina.

Credit: Sheena Halili | Instagram

At tulad nga ng ibang mga newly parents, magmula ng dumating sa buhay ng mag-asawa ang kanilang panganay na anak, ay talaga namang sinigurado nila na magiging masaya at memorable ang bawat milestone nito.

Isa nga sa mga ginagawa ng mag-asawa upang maging memorable ang bawat milestone ng kanilang baby ay ang gawing ekstra espesyal ang monthly birthday celebration nito. Kaya naman bawat monthly birthday ni Martina ay pinaghahandaan nila at ginagawa nilang Disney-inspired ang tema nito, na nagsimula pa nga noong ika-1 buwan nitong kaarawan.

Credit: Sheena Halili | Instagram

Tunay namang hindi natin namamalayan ang mabilis na paglipas ng panahon, dahil nito lamang ika-12 ng Hulyo ay tumuntong na nga sa kanyang ika-7 buwang gulang si baby Martina.

Para naman sa ika-7 buwang kaarawan ni baby Martina, ay isa na namang nakamamanghang tema ang naisip ng kanyang mga magulang, at ito nga ay ang magmala-Pocahontas ang kanilang baby girl.

Sa Instagram account nga ni Martina, na ginawa at mina-manage ng kanyang mommy na si Sheena ay makikita ang naging pagbabahagi ng aktres ng nakaaaliw na mga larawan ng kanyang baby girl, na talaga namang cute na cute habang nakasuot ng dress na Pocahontas-inspired.

Si baby Martina ay nakasuot ng kulay brown na knitted-dress, headband at mahabang black hair wig, kaya naman nagmukha talaga siyang si Pocahontas na kinagiliwan at pinangigilan ng mga netizens.

Credit: Sheena Halili | Instagram

Makikita naman sa hiwalay na post ni Sheena, na nagpalit ng all-pink dress si baby Martina na bumagay rin sa kanyang pink backdrop design ng kanyang naging monthly birthday photoshoot. Ibinahagi ni Sheena, na ang naturang napakagandang backdrop sa photoshoot ng kanyang baby girl ay gawa ng international Pinoy event designer na si Gideon Hermosa.

Bumuhos naman ang maraming mga komento mula sa mga netizens para sa napakagandang Pocahontas themed monthly birthday celebration ni baby Martina.

“I like your ideas Martina…nakakaaliw talaga…di nakakasawa tingnan ang life doll mo.”
“Pakurot sa pisngi! Huhu cuteness overload!”
“Omg, favorite ko talaga tong baby na to… so cute.. I want to cry…”
“Kakagigil naman yern cute”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved