Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Masayang Swimming Bonding ng Mag-Asawang Pauleen Luna-Sotto at Vic Sotto Kasama ang Kanilang mga Anak at Apo

Tunay nga naman na kahit gaano ka man kaabala sa iyong buhay, ay kinakailangan pa rin na magkaroon ng panahon at oras na makipag-bonding sa iyong pamilya, upang mairelaks ang sarili at mapanatili ang magandang samahan sa kapamilya.

Credit: Pauleen Luna Sotto | Instagram

Ganito nga ang ginagawa ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto, na sa kabila ng gaano man sila ka-busy sa kanilang trabaho bilang host ng entertainment show na Eat Bulaga ay talaga namang naglalaan pa rin sila ng malaking oras na makasama at maka-bondning ang kanilang pamilya, gaano man nga sila kapagod sa kanilang trabaho.

Nito nga lamang nakaraan, ay isang masayang bonding ang ginawa ng mag-asawa kasama ang kanilang kapamilya. Ito nga ay ang naging weekeng bonding nila, kung saan ay nag-enjoy silang mag-swimming kasama ang kanilang mga anak at apo sa isang malaking inflatable pool na may slide.

Credit: Pauleen Luna Sotto | Instagram

Hindi na nga kinailangan pang lumayo o magpunta ng pamilya nina Pauleen at Vic sa malayong lugar para lamang makapag-bonding, dahil sa loob ng kanilang bakuran sa tahanan nila ay nagpatayo sila ng sarili nilang inflatable pool na may slide, na labis namang ikina-enjoy nilang lahat magpapamilya.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Pauleen sa kankyang Instagram account, na kasama nilang mag-asawang ang mga kamag-anak sa loob ng malaking inflatable pool.

Credit: Pauleen Luna Sotto | Instagram

Siyempre naman hindi nawala sa masayang bonding nilang ito ang kanilang anak ng asawa niyang si Vic, na si baby Tali, na kita naman na nag-enjoy sa pakikipaglaro habang nagsi-swimming sa kanyang mga kapwa bata sa kanilang pamilya.

“What a fun day [red heart emoji]”, ang naging caption ni Pauleen.

Ibinahagi rin ng Eat Bulaga host na talaga namang super na nag-enjoy ang mga bata sa kanilang pamilya sa ginawa nilang swimming bonding sa loob lamang ng kanilang bakuran.

Maliban sa kanilang mag-asawa, ay naroon rin nga at nag-enjoy ang iba pang mga adults kagaya na lamang ng isa pang anak ni Vic Sotto, na si Danica Sotto-Pingris.

Credit: Pauleen Luna Sotto | Instagram

Pag-amin naman ni Pauleen, sa kabila ng pagiging adults na, ay talaga namang masaya pa ring maranasan ang mga ganitong karanasan, na tila nga nagbabalik ka sa iyong kabataan.

Pinasalamatan naman ni Pauleen ang kumpanya na nag-provide sa kanila ng inflatable nila na naging dahilan nga upang makapag-enjoy sila ng sobra.

“Thank [email protected] for making it specials for the kids! And the kids at heart”, ani ni Coleen.
Marami naman sa kanilang mga kaibigan sa industriya at mga tagahanga ang talaga namang naaliw sa masayang swimming bonding na ito ng pamilya Sotto, at karamihan nga sa mga naging komento ay “so fun”.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved