Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Matatag at Masayang Relasyon ng Aktor na si Paolo Avelino at ng Girlfriend Niya na Isang Modelo sa Loob ng Tatlong Taon

Hindi maitatanggi na isa sa mga pinaka-in demand at hinahangaang aktor ngayon sa industriya ng showbusiness ay ang gwapo at talentadong Kapamilya actor na si Paolo Avelino.

Credit: Paunaticsofficial | Instagram

Matatandaan na si Paolo ay mas nakilala at hinangaan bilang isang Kapamilya star ng gampanan niya ang karakter bilang si Gael Ojeda sa daytime action-drama series noon ng ABS-CBN na ‘Asintado’. Ang kanyang karakter ay anak ng karakter ni Lorna Tolentino na si Miranda, at asawa naman siya ng ginampanang karakter ni Shaina Magdayao na si Samantha.

Credit: Paunaticsofficial | Instagram

Samantala, maliban sa matagumpay na karera ni Paolo bilang isang aktor, ay masaya rin ang buhay pag-ibig nito, sa piling ng kanyang girlfriend na Filipino-Australian model na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Ayon sa ulat, sa ngayon ay nakabase sa Maynila ang kasintahan ng aktor, kung saan ay gumagawa ito ng mga catalogue shoots at commercials. Mayroon din umano itong pinagho-hostan na isang music channel.

Credit: Paunaticsofficial | Instagram

Buwan ng Hulyo, taong 2017 ng kumpirmahin ni Paolo Avelino ang kanyang relasyon sa kasintahan niyang modelo, sa isa ngang panayam sa kanya.

“Hindi ko na sasabihin kung kailan, pero kami na”, ang naging pahayag ng aktor.

Ikinuwento rin ni Paolo na nakilala niya si Jodie sa isa nilang common friend, at agad nga niyang nagustuhan ang kasimplehang taglay ng dalagang modelo.

Nagsimula naman na pag-usapan ang tungkol sa relasyon ng dalawa ng kumalat sa social media ang kanilang mga larawan kung saan sila ay magkasama. Mayroon pa ngang video noon ang dalawa na nagpapakita kung paano tinuturuan ni Paolo si Jodie ng ilang mga salitang Tagalog.

Credit: Paunaticsofficial | Instagram

Bagama’t hindi ganun isinasapubliko ni Paolo Avelino ang patungkol sa kanyang pribadong buhay, kagaya na nga lamang ng buhay pag-ibig niya at relasyon nila ng kanyang kasintahan, nu’ng nagkaroon naman ang aktor ng panayam sa programa ni Tito Boy na ‘Tonigt With Boy Abunda’. Ay ibinahagi ni Paolo na itinuturing niyang biyaya ang pagdating ng kasintahan niyang si Jodie sa kanyang buhay.

Nang tanungin pa ni Tito Boy ang aktor kung si Jodie na ba ang nais nitong makasama sa kanyang habang-buhay ay ito ang naging pahayag niya, “she could be”, na ikinakilig naman ng marami niyang tagahanga.

Credit: Paunaticsofficial | Instagram

Unang namataan ng publiko na magkasama ang magkasintahan nung sila ay dumalo sa Star Magic Ball 2017, kung saan ay magkaagapay silang naglakad sa red carpet ng nasabing okasyon.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved