Connect with us

Entertainment

“Mermaid for a Day” ang Naging Bagong Pakulo ni Ivana Alawi sa Kanyang Vlog Matapos Isang Araw na Magsuot ng Mermaid Costume at Magtampisaw sa Pool

Talaga namang ang actress-vlogger na si Ivana Alawi ang isa sa mga pinakasusubaybayan ng marami ngayon, hindi lang dahil sa kanyang angking kagandahan at kaseksihan kundi dahil na rin sa kanyang mga nakakaaliw na mga pakulo kapag siya ay nagba-vlog na naghahatid nga ng good vibes sa marami niyang tagahanga at tagasubaybay.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Kagaya na nga lamang ng kanyang pinaka-latest vlog na muling good vibes at aliw ang naging hatid sa marami niyang mga tagasubaybay.
Kadalasan ngang ang napapanood natin na vlog ni Ivana ay ang pag-prank o di kaya naman ay pagbibigay sorpresa, ngunit ngayon nga sa kanyang latest vlog ay iba ang naging trip gawin ni Ivana.

Sa pinakabago ngang vlog ni Ivana ay talaga namang ang kanyang layunin ay ang makapagbigay aliw sa kanyang mga tagasubaybay, kung saan ay hindi siya nabigo dahil sa talaga namang ito ay kinaaliwan ng marami.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Ang latest vlog niya ngang ito ay pinamagatang “Mermaid for a Day Challenge” na nito lamang ika-13 ng Hulyo, araw ng Martes niya ibinahagi sa kanyang YouTube channel. Sa vlog nga niyang ito, ay ipinakita ni Ivana ang kanyang pagbibihis sirena, at ang husay niya sa paglangoy ng tila nga isang totoong sirena sa loob ng isang araw.

Mapapanood sa unang bahagi ng video ang naging paglalahad ni Ivana, na hindi umano alam ng kanyang pamilya ang plano niyang ito na mag-ala sirena sa loob ng isang araw. Kaya naman ng simulan niya ang kanyang pagiging isang sirena ay talaga namang hindi malaman ng kapatid niyang si Mona ang magiging reaksyon nito sa acting-aktingan na ginagawa niya bilang isang sirena.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Talaga namang kinarer ni Ivana ang pagiging isang sirena na nagsimula nga sa unang pagpapanggap niya na siya’y isang inosenteng dalaga na nagsasambit nga na siya ay nagmula sa malayong lugar ng karagatan.

Natutuwa na nga lamang ang kapatid ni Ivana na si Mona at ang kanilang ina sa ina-akting niya. At matapos nga nito ay kanya ng niyaya si Mona sa labas ng kanilang tahanan kung saan ay nakita niya ang pool na ang tawag nga niya ay dagat, na acting aktingan lang naman niya.
Nakumpleto naman ang awrahan ni Ivana na maging isang sirena ng maisuot na niya ang kanyang napakagandang mermaid costume, na nahahawig nga sa karakter ni Ariel sa Disney Animation film na “The Little Mermaid.”

Mas lalo pa ngang nagmukhang sirena si Ivana dahil sa ang kanyang costume ay binagayan ng kanyang kulot na mahabang buhok, kaya naman talagang mahahalintulad na siya sa mga sirenang napapanood natin sa mga pelikula.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Tunay naman na sa kahit anong isuot ni Ivana ay talaga namag lumilitaw pa rin ang kanyang kagandahan, tulad nga nitong kanyang naging mermaid challenge, na kahit siya’y nagmala-sirena ay litaw na litaw pa rin ang ganda at kaseksihan niya.

Maliban sa kanyang kagandahan sa pagiging isang sirena, ay ipinamalas rin ni Ivana ang husay niya sa paglangoy, kahit nga ba nkasuot siya ng mermaid tail costume. Kitang kita nga na napakahusay lumangoy ni Ivana ng langoy ng mga sirena, at hindi maikakaila na maari na rin talaga siyang gumanap na sirena sa mga fantaserye.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Samantala, hindi lang naman ang pagbibigay aliw ni Ivana bilang isang sirena ang makikita sa video vlog niyang ito , dahil makikita rin dito ang naging masayang bonding nila ng kanyang pamilya, at kung paano nga sinusuportahan ng mga ito si Ivana sa mga ginagawa nito.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved