Connect with us

Entertainment

Maliban sa Pagiging Isang Aktor, John Prats Isa na Rin Ngayon sa Direktor ng Inaabangan ng Lahat na Noontime Show na It’s Showtime

Bukod sa kanyang karera sa pag-aartista ay ine-enjoy na rin ngayon ng aktor na si John Prats ang maging isang direktor. Bilang direktor ay marami na rin siyang mga na-handle at idinerek na music videos at concert, ngunit ngayon nga ay tila isang dream come true para sa kanya ang maging direktor ng isang noontime show.

Credit: Instgram | Image

Kamakailan nga lamang ay nagsimula na si John bilang direktor ng isa sa mga inaabangan na noontime show ngayon, at ito nga ay ang It’s Showtime ng Kapamilya network.

Nalaman ng publiko na isa na si John sa mga direktor ng nasabing programa ng maibuking ito ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro sa isang segment ng show.

Credit: Instgram | Image

“Dapat i-enjoy natin dahil ang direktor natin ngayon ay si John Prats”, ang naging pahayag ni Vhong.
Agad naman itong sinegundahan ng isa pa ring co-host ng programa, ang aktres na si Kim Chui na nagsabing, “Direk John Prats is in the house.”

Sa Instagram naman ni John ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng larawan, habang siya ay nasa director’s booth. Sa kabila nito, hindi naman malinaw kung magtutuloy-tuloy na ng aba ang pagiging direktor ni John sa It’s Showtime, o kung ito ay para sa isang segment nga lang ba ng nasabing noontime show.

Credit: Instgram | Image

Isa pa ngang larawan ang ipinakita ni John kung saan siya naman ay abala sa pagtatrabaho, at kalakip naman nito ay ang naging pasasalamat niya sa isa ring direktor ng ABS-CBN na tumulong sa kanya, at ito nga si Direk Arnel Natividad.

“A great director gives life to a work of art – gives it a heartbeat… a pulse … open its eyes to the world”, ang naging caption ni John.
Matatandaan na si John Prats rin ang naging direktor noon ng ABS-CBN Christmas special.

Credit: Instgram | Image

Makikita naman sa isang post ng Cornerstone, isang talent management, ang naging pagbibigay pugay nito para sa pagiging isang mahusay na direktor ni John Prats, sa pinakabago nga nitong segment sa noontime show ng ABS-CBN.

Maliban sa pagiging abala sa kanyang trabaho bilang isang direkto ay tuloy-tuloy pa rin ang pagiging isang aktor ni John Prats, at sa katunayan ay napapanood natin siya gabi-gabi sa serye ng Kapamilya network na FPJ’S Ang Probinsyano, kung saan ay ginagampanan niya ang karakter bilang su Jerome Girona.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved