Connect with us

Entertainment

Dating PBB Housemates na si Kisses Delavin, Sasabak sa Miss Universe Ph 2021

Isa sa mainit na pinag-uusapan ngayon ay ang balitang lumabas na ang dating PBB housemates na si Kisses Delavin ay isa na nga umano sa mga magagandang dilag na sasabak at makikipagtagisan ng ganda at galing sa Miss Universe Philippines 2021.

Credit: Facebook | Image

Ang usapin ngang ito ay agad namang umani ng napakaraming mga reaksyon, hindi lang muna sa mga tagahanga ni Kisses kundi maging sa iba pang mga netizens.

Credit: Philippine Pageants | Image

Unang lumabas ang balita ng magiging pagsabak ni Kisses sa Miss U Ph 2021, ay sa social media official page ng Philippine Pageants.
“She’s ready to conquer the UNIVERSE! CONFIRMED! Kisses Delavin will join Miss Universe Philippines 2021”, ang naging saad nga sa nasabing page ng Philippine Pageants.

Sa balita ngang ito, ay agad namang natuwa ang mga tagahanga at tagasuporta ni Kisses, at para nga sa kanila ay talagang pang beauty queen ang taglay na kagandahan ng dating PBB housmates, lalo pa’t bago pa man umano ito sumali sa Pinoy Big Brother at pumasok sa mundo ng showbusines ay isa na itong beauty queen sa kanilang probinsya.

Credit: Facebook | Image

At ngayon nga na matunog ang balita na ito ay sasabak na sa Miss U PH, ay tala’gang susuportahan nila uto mula sa simula hanggang sa dulo ng magiging journey nito sa pagsabak sa prestihiyosong beauty pageant.

Ayon naman sa ibang mga tagahanga ni Kisses, ay talaga namang may abilidad ang aktres na sumabak sa Miss U PH, dahil sa taglay umano nito ang ganda at ugali ng isang beauty queen, dahil sa ito’y may adbokasiya at sariling pamamaraan na ginagawa upang makatulong sa mga kapuspalad.

Samantala, ang naging pagbabahagi nga ng Philippine Pageants official page ng balitang kumpirmado ng sasabak sa Miss U PH si Kisses, ay agad na umani ng napakaraming mga iba’t ibang mga komento mula sa maraming mga netizens kung saan ang iba sa mga ito ay nagpakita nga ng suporta sa magiging beauty queen journey ni Kisses, ngunit hindi rin naman mawawala na mayroon ding magbigay ng negatibong komento at magsabi na wala sa abilidad ni Kisses ang maging isang beauty queen.

Credit: Facebook | Image

Narito nga ang ilan sa mga mababasang komento sa post ng Philippine Pageants patungkol sa pagsabak ni Kisses sa Miss U PH;

“I don’t hate her pero wala siyang aura na pang beauty queen, cute lang siya pero hindi pang beauty queen yung ganda at height. Tsaka iyakin yan baka umiyak pag natalo.”

“she’s more suitable in Miss International very sweet kasi yung aura niya.”

“For me pang Miss International s’ya. Her angelic face and the way she present herself, pang MI talaga.”

“Good to hear that. Pero di siya pang MUP Material, honestly speaking.”

Credit: Facebook | Image

Matatandaan na si Kisses Delavin ay unang nakilala ng publiko ng ito ay maging isa sa mga housemate ng pamosong Bahay ni Kuya o ang Pinoy Big Brother House. Ang kanyang karera sa mundo ng showbiz ay nagsimula sa ABS-CBN network, ngunit kalaunan nga ay lumipat ito sa rival network na GMA-7, kung saan ito nanatili hanggang sa kasalukuyan bilang isang aktres.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved