Connect with us

Entertainment

Bagong Loveteam na Sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Nagbigay Kilig sa Marami Nilang Tagahanga sa Una Nilang Photo Shoot Para sa Metro Magazine

Sa mundo ng showbiz ay marami nga naman talaga ang mga sikat na love teams na talagang nagbibigay kilig, hindi lang sa kanilang mga tagahanga kundi maging sa maraming mga manonood. At isa nga sa mga rising love team ngayon na talaga namang pinagkakaguluhan at kinakikiligan ng mga netizens ay ang sikat na tambalan sa seryeng ngayon sa ‘Wattpad’ na “He’s Into Her” na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Credit: Donny Pangilinan | Instagram

Sina Donny at Belle ay may apat na taon ang agwat ng edad sa isa’t isa, ngunit sa kabila nito ay nagawa pa rin nilang magbigay kilig sa maraming mga manood ng seryeng pinagbibidahan nila.

Dahil nga sa umaapaw na ‘chemistry’ ng tambalang DonBelle ay hindi maikakaila na naging kaabang-abang sa marami ang bawat episode ng kanilang Wattpad series na He’s Into Her.

Credit: Donny Pangilinan | Instagram

Hindi nga lamang sa Wattpad series nila nagbigay kilig ang tambalang DonaBelle sa marami na nilang mga tagahanga, dahil nito lamang nakaraan ay muling nagbigay kilig ang dalawa ng sila ay magkaroon ng photoshooe saMetro Magazine, kung saan sila nga ang magiging cover nito para sa issue ngayong buwna ng Hulyo.

Base sa mg ulat, ito ang kauna-unahan na photoshoot para sa isang magazine cover ng dalawa bilang isa ngang opisyal na loveteam. At sa kabila nga ng pagiging first time nila bilang on-screen partners, ay hindi naman ‘yon mahahalata sa kilos ng dalawa, dahil tila nga naman natural na natural lamang sila sa isa’t isa na mas nagbigay nga ng kilig para sa mga sumusuporta at sumusubaybay sa kanila.

Credit: Donny Pangilinan | Instagram

Samantala, sa isang panayam naman sa DonaBelle ng Metro Magazine ay ibinahagi nila kung ano nga ba ang tingin nila sa kanilang mga karakter sa serye nilang He’s Into Her. Naikuwneto nila na sa serye na ito ay mayroon silang mga natutunan na hindi nila malilimutan.

“I love what Direk Chad said. Love doesn’t choose. It doesn’t choose a specific age, a specific person. It happens to everyone, which is why a lot of people, even if you’re not in high school lihe “He’s Into Her”, ang naging pahayag ni Donny.

Para naman kay Belle, ay malaki ang kanyang pasasalamat lalo na’t naging matagumpay at mainit ang pagtanggap ng marami sa kanilang Wattpad series, at talaga namang isa ito sa mga pinaka-aabangan ngayon sa iWantTFC.

Aminado rin si Belle na nu’ng una ay talaga namang nakaramdam sila ng pressure pero ngayon nga ay nag-uumapaw siya sa pasasalamat dahil sa naging tagumpay ng proyekto nila ni Donny.

Credit: Belle Mariano| Instagram

“There was pressure at first. Siyempre, kailangan naming maabot ‘yung expectations nila, and knowing that the series is somehow a bit far from the book, may pressure. I’m glad and I’m really thankful that everyone liked it. I’m really thankful that everyone liked it. I’m really blessed to be a part of this project”, pahayag ni Belle.

Mas lalo namang kinilig ang mga tagahanga ng dalawa ng magbahagi sina Donny at Belle ng mga nakakakilig na larawan na ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram account.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved