Connect with us

Entertainment

Aktres na si Dimples Romana, Pina Wow ang mga Netizens sa mas Fit Niya Ngayong Pangangatawan

Isang buwan pa nga lamang ng simulant ng Kadenang Ginto actress na si Dimples Romana ang kanyang fitness journey ay agad ng kinabiliban ng mga netizens ang resulta nito sa pangangatawan ng aktres.

Credit: Dimples Romana | Instagram

Kamakailan nga lamang sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni Dimples ang bunga ng kanyang isang buwan pa lamang na fitness journey, at talaga namang ito ay nagpa-wow sa marami niyang mga followers dahil makikita na sa ibinahagi niyang “before and after photo” ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan.

Makikita na sa unang larawan na kanyang ibinahagi ay kinunan umano ito noong ika-26 ng buwan ng Mayo, samantala ang ikalawa namang larawab ay noon lamang ika-29 ng Hunyo kinunan. Kitang-kita sa mga larawan na ito na sa loob nga lamang ng isang buwan ay malaki na ang naging resulta ng fitness journey na ginawa ng aktres.

Credit: Dimples Romana | Instagram

Ibinida nga ni Dimples sa mga larawan niyang ito ang mas manipis na iyang tiyan at mas payat na niyang mga binti at braso ngayon.
Maliban pa nga sa mga ito, ay naging kapansin-pansin rin sa paningin ng marami ang pagkakaroon na ngayon ng kurba ng katawan ni Dimples na malayo nga sa dating hugis ng kanyang pangangatawan.

‘First month progress’, ang naging pahayag ni Dimples sa naging caption niya sa kanyang post.

Credit: Dimples Romana | Instagram

Binigyang diin rin ng aktres na matatawag pa rin na ‘progress’ gaano man kaliit o kalakai ang makikitang pagbabago sa kanyang pangangatawan, kung saan ito nga umano ay natutunan niyang aral sa panganay niyang anak na si Callie.

“First month progress report… Posting this here to remind myself how far I’ve come.. I guess when we’re beginning our fitness and health journey, often nakakapanghina ng loob when you do so much yet you still feel like you’re achieving very little – but then Sabi nga ng boss ko dito sa bahay @callieahmee PROGRESS IS PROGRESS”, ani Dimples sa kanyang IG post.

Dagdag pa ni Dimples, mas nararamdaman niya ngayon na mas malakas at malusog ang kanyag pangangatawan kumpara noon magmula nga ng simulant niya ang kanyang pagbabawas timbang.

Credit: Dimples Romana | Instagram

“[Happy] to be able to fit into my old clothes AGAIN (tipid because I don’t have to buy anymore), think more clearly, my skin even got more radiant, and somehow I feel lighter spirit and so much healthier and stronger and INSPIRED.”

Isa nga sa mga pamamaraan na ginagawa ni Dimples para magbawas ng kanyang timbang ay ang intermittent fasting.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved