Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Masayang Bonding Moments ng Mag-Lolo na Sina Robin Padilla at Kanyang Apo na Si Alas Joaquin

Ang aktres na si Kylie Padilla ay hindi lang kilala bilang isang sikat na artista sa mundo ng showbiz, dahil maliban dito ay batid rin ng marami na siya ay isa sa mga anak ng hinahangaan at iniidolong action star noon na si Robin Padilla sa dati nitong asawa.

Credit: Google | Image

Ngayon nga, ay isa ng ganap na ina ang aktres na si Kylie Padilla, dahil sa ito ay mayroon ng dalawang anak na lalaki. Ang kanyang bunsong anak ay si Alas Joaquin, na tila nga isang “Lolo’s boy” dahil sa pagiging malapit nito sa lolo niyang si Robin Padilla.

Hindi nga maipagkakaila na bilang isang lolo ay talaga namang mahal na mahal ni Robin o Binoy ang kanyang mga apo, at isa na nga rito ay si Alas.

Credit: Niceprint Photo | Image

Sa kabila nga ng tinagurian si Robin na bad boy sa Philippine showbiz industry ay makikita naman kung gaano kalambot ang puso nito pagdating sa kanyang pamilya, lalo na nga sa kanyang mga apo.

Samantala, makikita naman sa apo niyang si baby Alas Joaquin ang pagiging “lool a like” nito sa kanyang lolo.

Credit: Niceprint Photo | Image

Makikita nga sa isang larawan na noong nakaraang pasko ay kasama ni Robin ang apo niyang si Alas Joaquin na masayang nagdiwang ng kapaskuhan. Maging ang asawa nga niya na si Mariel Padilla, ay naaliw rin na alagaan ang apo ni Robin dahil sa talaga namang overload ito sa kakyutan.

Credit: Niceprint Photo | Image

Minsan pa ay nakaka-bonding ni baby Alas ang anak nina Roboin at Mariel na si baby Isabella. Hindi maikakaila na talagang parehong nakakagigil sa kakyutan ang dalawang baby, na madalas ngang nagkakasama kaya naman sigurado na lalaki ang mga ito na malapit sa isa’t isa.

Si baby Isabella ay ang bunsong anak ng mag-asawang Robin at Mariel na hindi nalalayo ang edad kay baby Alas Joaquin. Dahil sa pagiging malapit ng dalawang cute baby ay sigurado na magiging isang mabuting tita si baby Isabella sa kanyang pamangkin na si Baby Joaquin.

Credit: Niceprint Photo | Image

Bunsong anak ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Cruz si Baby Alas Joaquin. Ngunit ngayon ay marami ang kumakalat na balita na ang mag-asawa ay hiwalay na.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved