Connect with us

Entertainment

Miriam Quimbao sa Edad na 46 Ligtas at Masayang Naisilang ang Itinuturing Niyang Ikalawang Miracle Baby Nila ng Kanyang Asawa

Sa ikalawang pagkakataon na nagbuntis si Miss Universe 1999 first runner up Miriam Quiambao ay labis na kaligayahan nga naman ang nadama nita at ng kanyang asawa. At sa edad niya ngang 46-taong gulang ay itinuturing niyang napakalaking biyaya sa buhay nila ng asawa ang pagkalooban sila muli ng isang pang anak. Inanunsyo ni Miriam sa publiko ang magandang balita na ito noong nakaraang Disymebre.

Credit: Miriam Quiambao | Instagram

Matatandaan naman na noong nakaraang ika-10 ng Hulyo ay nagkaroon ng isang napakagandang matertinity photoshoot si Miriam Quiambao, kung saan ay kanyang ibinida ang lumalaki na niyang tiyan.

Nang ibahagi ni Miriam ang kanyang mga larawan na kuha sa maternity photoshoot niya ay ipinahayag rin niya ang labis niyang kasiyahan at pasasalamat sa Poong Maykapal sa muling pagbibigay sa kanila ng isa pang anak.

Credit: Miriam Quiambao | Instagram

Ayon nga sa dating beauty queen-TV host, talagang ‘miracle’ na maituturing ang pagdating ng kanilang mga anak sa buhay nilang mag-asawa, lalo na’t na-diagnose siya at ang kanyang asawa na si Ardy Roberto na isang inspirational speaker ng infertility.

“Being pregnant at 46 years old is an amazing experience for me. It’s not only considered a miracle pregnancy (considering a previous diagnosis of almost infertility for my husband and I) but also this is my second pregnancy!!! As my husband @ardyroberto said, it’s like lighting striking twice!!!”, ang naging pahayag ni Miriam sa kanyang caption post.

Credit: Miriam Quiambao | Instagram

Samantala, matapos nga ang siyam na buwan na pagdadalang-tao, nito nga lamang ika-12 ng Hulyo ay masaya ng inanunsyo ni Miriam Quiambao sa lahat sa pamamagitan ng kanyang Instagram na matagumpay at ligtas na niyang naisilang ang kanyang ikalawang anak.

Ang ikalawa ngang anak ng dating beauty queen, ay isang malusog na baby boy na binigyan naman nila ng kanyang mister ng pangalan na Isiah Quimabao-Roberto, na ang palayaw ay “Ziki.”

Pinasalamatan naman ni Miriam ang lahat ng mga taong sumubaybay sa kanila ni baby, ganun rin ang mga nagdasal para sa ligtas niyang panganganak sa sanggol.

Credit: Miriam Quiambao | Instagram

Siyempre hindi rin naman nakalimutan ng dating beauty queen na pasalamatan ang Diyos na lumikha, sa patuloy na pag-gabay nito sa kanyang pamilya mula noon hanggang ngayon, at sa lahat nga ng biyayang kanilang natatanggap, lalo na ang pagdating muli ng isang anghel sa kanilang pamilya.

Si Miriam Quiambao ay ikinasal sa kanyang mister na si Ardy Roberto noong taong 2014. Taong 2019 naman ng silang mag-asawa ay mabiyayaan ng kanilang unang anak at ito nga ay si Elijah, na halos ilang taon nga rin nilang hinintay na mabigyan sila ng anak.

Ngayon nga ay may panibago na namang miyembro ang pamilya nina Miriam at Ardy, at ito nga ay ang bagong silang nilang anak na si Ziki.
Lingid naman sa kaalaman ng marami, na maliban sa dalawang anak ngayon ng mag-asawang Miriam at Ardy, ay may isang anak si Ardy sa kanyang dating asawa, at ito nga ay kinilalang si Joshua.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved