Connect with us

Entertainment

Mag-Asawang Lovely at Benj Manalo, Natupad na ang Pangarap na Bahay at Sasakyan Dahil sa Kanilang Pagtatagumpay sa Online Selling Business

Sa buhay mag-asawa ay nagiging madali nga naman ang pagtupad sa lahat ng inyong pinapangarap kung ito’y magkasama at magkatulong niyong aabutin at tatrabahuin.

Credit: Benj Manalo | Instagram

Tunay ngang walang imposible na pangarap ang makakamtan kung sasamahan ng pagtutulungan, ganito ang pinatunayan ng mag-asawang sina Lovely at Benj Manalo.

Parang kailan lamang ng ibahagi ng mag-asawang Lovely at Benj Manalo sa publiko ang naging pagtupad nila sa kanilang pangarap na magkaroon ng sarili nilang sasakyan, na kanila ngang naisakatuparan dahil sa naging kasipagan at pagtutulungan nila na mapalago ang kanilang online business.

Credit: Benj Manalo | Instagram

At halos ilang buwan nga lamang matapos ito, ngayon naman ay isa na naman nga sa pangarap ng mag-asawa ang kanilang nakamtan, at ito nga ay ang maipatayo ang pinapangarap nilang sariling tahanan.

“Lahat ay isang pangarap na tinupad mo L𝓞RD, ng𝔞yon palang nag sink in sakin na totoong nangyayari lahat ng to sa aming pamilya, walang impossible talaga pag may pananalig ka kay L𝔬rd, sipag at tiyaga.. grabe maniwala kayo walang impossible lalo na sa katulad kung mahilig mangarap.”

Credit: Benj Manalo | Instagram

Makikita nga sa isang post ni Lovely sa kanyang Instagram account ang nagin pagbabahagi niya na dahil sa kanilang pag-o-online selling mag-asawa ay nakaipon sila, na siya ngang ginamit rin nila upang makabili ng kanilang bagong sasakyan at makapagpagawa ng pangarap nilang bahay.

Ang kotse ng mag-asawa na isa sa mga katas ng kanilang online business ay pinangalanan nilang ‘Mic-Mic’, na nakuha nga nila sa salitang pandeMIC.

Credit: Lovely Abella | Instagram

Samantala, ilan nga sa mga matatagumpay na negosyo na ngayon ng mag-asawa ay ang kanilang Benly’s Online at ang kanilang Lovely Cosmetic PH.

Proud naman para sa narating ng mag-asawa ang kanilang kapwa artista na si Willie Revillame.

Ilan pa nga sa mga personalidad sa showbiz na malapit sa mag-asawa na nagpaabot ng kanilang suporta para sa tinatamasang tagumpay sa buhay ngayon nina Love at Benj ay sina, Barbie Forteza, Kakai Bautista, Jerald Napoles, Maricris Garcia, Camille Prats, Dimples Romana, Betong at Arny Ross.

Credit: Lovely Abella | Instagram

Si Benj Manalo ay anak ng komedyanteng si Jose Manalo, at matatandaan na taong 2019 ng mag-proposed ito sa kanyang girlfriend na si Lovely Abella.

Ika-23 ng Enero taong 2020 ng ikasal ang dalawa, kung saan ang isinuot pa ngang napakagandang wedding gown ni Lovely sa araw ng kanyang kasal ay ineregalo sa kanya ng matalik na kaibigan niyang aktres na si Kathryn Bernardo.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved