Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Ibinahagi ang Pinakamasakit na Pangyayari sa Kanyang Buhay at Ito ay ng Makunan Siya sa Kambal Dapat na Anak Nila ng Asawa Niyang si Chiz

Bawat isa nga sa atin ay may itinuturing na pinakamasakit at masamang pangyayari sa ating buhay, na talaga namang malaki ang naging epekto sa atin, at hindi natin basta-basta malilimutan.

Credit: Facebook | Image

At maging ang isa nga sa mga sikat na artista ay may mga masasakit at masasamang pangyayari din sa kanilang buhay na hindi nila malimutan, kagaya na nga lamang ng aktres na si Heart Evangelista, na nito lamang ay ibinahagi ang kanyang itinuturing na “worst day” ng buhay niya.

Makikita sa Instagram stories ni Heart ang naging pagbabahagi niya ng isang throwback na larawan, kung saan ay makikita nga sa nasabing larawan ay kasama niya ang asawa niyang si Chiz at siya nga ay kino-comfort nito habang sila nga ay nasa hospital.

Kalakip ng larawan na ito ay ang caption ni Heart na;

“My great husband @escuderochiz”¸ saad ni Heart.
Dagdag pa niya, “Worst day of my life , Lost my twins…now I have angels.”

Credit: Heart Evangelista | Instagram

Matatandaan na noong taong 2018 ay isinapubliko ni Heart Evangelista na sila ng asawa niyang si Chiz ay dumaan sa isang pagsubok, at ito nga ay ng makunan siya sa dapat ay kambal na anak nila ng mister niya.

Ayon sa aktres, inaasahan na nila ng asawa niyang si Chiz ang pagdating ng kanilang kambal na anak, ngunit sa unang buwan pa nga lamang ng kanyang pagbubuntis ay nakaranas na siya ng ‘miscarriage’ na dahilan nga upang mawala ang kambal na anak dapat nila.

Credit: Facebook | Image

Pagbabahagi pa ni Heart hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang dapat ay kambal na anak nila ng asawang si Chiz. Sa katunayan pa umano ay mayroon na siyang inihandang ‘nursery’ sa kanilang tahanan para sa pagdating nga dapat ng mga ito sa buhay nilang mag-asawa.

Si Heart Evangelista ay kasal kay Sorsogon Governor Chiz Escudero, sa kabila ng ngayon ay hindi pa muling binibiyayaan ng anak ang mag-asawa, ay masaya naman ang buhay at pagsasama nila. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, na si Chiz Escudero ay may dalawa ng anak sa dati nitong asawa, na ngayon nga ay itinuturing na ring anak ni Heart Evangelista.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved