Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Naaliw sa “Sweet Bonding Moment” ng Cute na Magpinsang Tili at Dahlia

Kabilang sa mga celebrity kids ngayon na talaga namang kinaaliwan ng maraming mga netizens ay ang magpinsang Tili at Dahlia, na anak nga ng celebrity mom na sina Solenn Heusaff at Ann Curtis. Batid naman ng marami sa atin na ang dalawang munting bulilit ay mag-pinsan, dahil ang mister ni Anne Curtis na si Erwan Heusaff ay kapatid ni Solen.

Sa pagkakaroon nga ng quarantine, ay tila higit pa sa mag-pinsan ang naging samahan nina Tili at Dahlia, dahil sa magka-edad lamang sila at palagi pa silang magkasama ay mas naging malapit pa nga sila sa isa’t isa.

Mula nga ng ang mag-asawang Anne at Erwan kasama ang anak nilang si Dahlia ay magbalik bansa, ay naging madalas ng ma-spottan ng mga netizens na laging nagba-bonding ang magpinsang Tili at Dahlia. Dahil sa madalas ngang pagsasama ng maginsang Tili at Dahlia, ay tila hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Batay sa mga larawan na ini-upload ng kanilang mga magulang sa social media, ay lag ingang magkasama ang dalawang bata mula sa paglalaro nila hanggang sa pagkain.

Halimbawa na nga lamang nito ay ang isang uploaded video, kung saan ay makikita ang naging bonding ng magpinsan habang sila ay nakaupo sa hagdanan. Kung pagmamasdan nga ang magpinsan ay tila mayroon silang ibang mundo, at kahit na hindi pa sila masyadong nakapagsasalita ay tila naman naiintinihan nila ang galawa ng isa’t isa.

Sa nasabing video rin ay ipinamalas ni Dahlia ang pagiging sweet at mapagbigay niya, matapos niyang bigyan ng kanyang tubig ang pinsan niyang si Tili.
Maliban sa paglalaro, isa rin sa mga nagiging bonding nina Tili at Dahlia ay ang pagbabasa at pagkukulay ng mga children’s book.

Tunay namang napapangiti ang mga magulang nina Tili at Dahlia sa kanilang mga anak, dahil sa murang edad ng mga ito ay tila nakita na nila ang isang tunay na kaibigan sa katauhan ng bawat isa.

Samantala, batid naman natin na ang mga magulang nina Tili at Dahlia na sina Solen at Anne, ay mayroong magandang relasyon bilang matalik na magkaibigan bago pa man ang mga ito ay naging sister-in-law. Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami sa atin, na pagdating sa fashion ay nagkakasundo ang dalawa, kaya naman nito lamang ika-23 ng Hunyo ay masaya rin nilang inilunsad ang kanilang bagong clothing brand.

Ang bagong lunsad ngang clothing brand nina Anne at Solen ay hango pangalan ng kanilang nag-gagandahang mga anak na sina Tili o Thylane Katana at Dahlia Amelie na “Tili Dahli”.
Makikita sa Instagram accounting magkaibigan at mag-sis-in-law na celebrity mommy ang naging pagpapasilip nila sa mga ilang magagandang damit na mabibili sa kanilang clothing brand na “Tili Dahli”, na nabuo nga dahil sa labis na pagmamahal nila sa kanilang mga anak.

Sa IG post ni Anne ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng kanyang kasiyahan sa bagong clothing brand na kanilang inilunsad na nagpapakita nga ng labis na pagmamalaki nila ng pagiging ina sa kanilang mga cute baby.

“Our thoughtful essentials were born of the love for our babies with thoughts of comfort, free-spirited play and loads of giggles and happiness always in mind’, ani Anne.
Maraming mga netizend naman ang nagbigay ng pusong reaksyon para sa larawan nina Anne at Solen, habang kasa-kasama nila ang kanilang mga bibo at magagandang anak.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved