Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Mala Model na Ganda ng Anak ni Wilma Doesnt

Bilang isang ina ay proud na proud sa kanyang maganda at dalaga ng anak ngayon na si Asiana ang dating host ng ‘The Sweet Life’ na si Wilma Doesnt. Si Wilma Doesnt ay isang kilalang model-host, na ngayon nga ay isa na ring ina sa kanyang anak na dalaga.

Credit: Wilma Doesnt | Instagram

Hindi maipagkakaila sa mga larawan ngayon ni Asiana na kumakalat ngayon sa social media na tulad ng kanyang ina, ay mayroon din siyang natatangin kagandahan na minana nga niya sa kanyang ina.

Kamakailan nga lamang sa Instagram account ni Wilma Doesnt ay kanyang ibinahagi ang mga magagandang larawan ng anak niyang si Asiana habang ito ay nakasuot ng isang ball gown, dahil sa ito ay dadalo sa prom.

Credit: Asiana Doesnt | Instagram

Ayon sa ulat, ang napakagandang ball gown na suot ni Asiana sa larawan ay gawa ng sikat na fasion designer na si Randy Ortiz, samantalang ang kanyang maayos na buhok na bumagay sa kanyang kagandahan ay gawa naman ni Jing Monis.

Pinatingkad naman ng The BLOC by Junie Sierra & Co ang angking kagandahan ni Asiana dahil sa magandang pagkaka-makeup nila sa dalagang anak ni Wilma Doesnt.
Dahil sa taglay na kagandahan ni Asiana sa kanyang, lalo na ng siya’y ayusan ay masasabi ngang ‘deserve’ ng dalaga ang mabigyan ng titulong ‘Prom Queen’.

Credit: Asiana Doesnt | Instagram

Sa ipinamalas na ganda at postura ni Asiana ay hind inga maitatanggi na may posibilidad na ito ay sumunod sa yapak ng kanyang ina, at maging isa ring modelo tulad nito sa hinaharap. Maliban pa sa pagiging modelo, ay kinakikitaan din ng potensyal ang anak ni Wilma Doesnt na maging isang beauty queen.

Noon ngang buwan ng Enero taong 2019 ay tumuntong na sa edad na 16 si Asiana, at sa naging pagdiriwang nga niya ng kanyang kaarawan ay isang nakaka-antig na mensahe ang inihayag para sa kanya ng ina niyang si Wilma Doesnt.

Credit: Asiana Doesnt | Instagram

“Happy birthday ate Asiana… thank you for being the best ate.. may God continue to shower you w/ blessings. Buti na lang talaga kamukha kita… I love you and im super proud of you. Continue to be the best person that you always wanted to be”, ang naging saad ni Wilma para sa anak.

Credit: Asiana Doesnt | Instagram

Samantala, sa iba pa ngang mga larawan ni Asiana ay mas pinamalas niya na kahit sa simpleng kasuotan ay kayang-kaya niyang dalhin ito ng may magandang postura, kaya naman talagang masasabi nga na siya ang mini version ng kanyang ina, dahil sa mala-modelo na din niyang dating sa kabila ng kanyang edad.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved