Connect with us

Entertainment

Panganay na Anak ni Andi Eigenman na si Ellie, Ipinamalas ang Husay sa Pag-Surfing

Sa kabila ng pagiging isang city girl ng aktres na si Andi Eigenman ay mas ninais nito ang magkaroon ng isang tahimik at payapang pamumuhay sa isang mala-paraisong isla. Sa kasalukuyan nga ay naninirahan si Andi sa isla ng Siargao, kung saan ay kasama niya rito ang dalawang anak nila ng kanyang fiancée an si Philmar Alipayo.

Magmula nga ng mahalin ni Andi ang buhay sa probinsya ng Siargao, ay nahumaling rin siya sa pag-surfing, at maging ang kanyang panganay na anak na si Ellie, ay tila minahal na din ang pananatili sa probinsya at maging ang pag-surfing ay kinahiligan na rin nito.

Batid naman ng marami sa atin na ang fiancée ni Andi Eigenman na si Philmar, ay kilala bilang isang mahusay na surfer sa ating bansa na minsan na ngang naging kampeon sa isang surfing competition.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Nito nga lamang nakaraan ay ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram account ang isang maiklig video, kung saan ay makikita ang kanyang anak na si Ellie na nakasakay sa surfing board at sinasabayan nga ang daloy ng alon ng karagatan. Makikita na kahit edad 9 pa lamang si Ellie, ay may naipapamalas na itong husay at postura sa pagsu-surf.

Tila nga hindi nahihirapan sa kanyang ginagawa si Ellie kahit na matagal ngang humupa ang alon na kanyang sinasabayan. Makikita nga na maayos niyang naibabalanse ang bigat ng katawan habang nakasakay sa surfing board at nakikipagsabayan sa alon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Hindi naman maikakaila na dahil sa naging pamamalagi ni Ellie sa probinsya ng Siargao, ay mas naging malapit ang panganay na anak ni Andi sa kalikasan lalo na nga sa karagatan .

Bilang isang ina naman ay sobrang proud si Andi sa anak, kaya naman ibinahagi niya ang video nito habang nagse-surfing sa kanyang Instagram stories.

Photo credits: Andi Eigenman | IG

Ikinabilib naman ng mga netizens ang naging pagpapamalas ni Ellie ng kanyang galing sa pag-surf sa kabika nga ng kanyang murang edad.

Samantala, maliban kay Ellie ay maituturing rin na isang promising surfer ang nakababata niyang kapatid na si Lilo, ang panganay na anak ng kanyang Mommy Andi sa fiancée nitong si Philmar. Ito nga ay dahil sa nu’ng isang taong gulang pa lamang si Lilo ay maayos na itong nakakatayo sa surfing board, habang ginagabayan ng kanyang amang si Philmar.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved