Connect with us

Entertainment

Award-Winning Actress Bea Alonzo, Ibinahagi ang Kuwento sa Likod ng Kanyang Naging Matagumpay na Fitness Journey

Mas lalong hinahangaan ngayon ang award-winning actress na si Bea Alonzo, ito ay dahil maliban sa kanyang taglay na kagandahan, ay na-achieve na nga niya ang kabigbighaning kaseksihan na pinapangarap nga naman ng maraming kababaihan.

Credit: Bea Alonzo | Instagram

Kamakailan nga lamang sa kanyang latest vlog sa YouTube channel, ay ibinahagi ni Bea ang kanyang naging matagumpay na fitness journey, at kung ang nasa likod ng kuwento ng naging pagbabawas niya ng timbang.

Ayon sa aktres, noong nakaraangtaon ng magpatupad ng quarantine, kung saan ay halos wala siyang masyadong ginagawang trabaho, ay hindi niya naiwasan na madagdagan ang kanyang timbang ng halos 20-pounds.

Credit: Bea Alonzo | Instagram

Aminado si Bea, noong una ay talaga namang ine-enjoy niya at sarap na sarap siya sa pagkain ng mga ‘junk foods’ ngunit sa huli ay napansin na nga niya na tila hindi maganda ang naidudulot nito sa kanyang lifestyle.
At dito na nga napaisip ang aktres, at nangako na pagpasok ng taong 2021 ay pipiliin na niya ang magkaroon ng healthy lifestyle’ upang matunaw na ang mga na-gain niyang weight noong quarantine.

“The past year, I have gained 20 lbs. due to quarantine. I wasn’t keeping track of how I late and barely worked out. This year, I promised myself that I would loose all the extra pounds to look and feel my best”, ani Bea.

Credit: Bea Alonzo | Instagram

Pagbabahagi pa ng aktres, unang buwan pa lamang ng taon ay agad na niyang sinimulan ang kanyang fitness journey, kung saan ay agad siyang napakagbawas ng 15 pounds noon ngang buwan ng Enero.

Dagdag pa ng aktres, hindi magiging matagumpay ang kanyang fitness journey kung wala ang tulong ng kanyang fitness coach at nutritionist, dahil sa malaki talaga at naging mahalaga ang papel ng mga ito sa tamang pamamaraan ng pagbabawas niya ng timbang.

Binuweltahan naman ni Bea ang mga namba-bash sa kanya, kung saan ay kanya ngang sinabi na bagama’t hindi niya maituturing na isang ehemplo ang kanyang sarili, ay ginagawa naman niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mas lalo pang mapabuti ang kanyang sarili, lalo na ang kanyang kalusugan.

Credit: Bea Alonzo | Instagram

Inamin rin ng aktres, na sa kabila ng tinataglay niyang kaseksihan ngayon ay malayo pa siya sa kanyang weight gola, kaya naman araw-araw pa rin niyang pinagsusumikapan ang makamit ito.
Matatandaan naman na noon lamang nakaraang buwan, sa pamamagitan din ng isang vlog ay ipinasillip ni Bea ang kanyang gym sa bahay, kung saan nga niya ginagawa ang kanyang daily workout routine.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved