Connect with us

Entertainment

Sa Edad na 44, Aktres na si Mylene Dizon Wala pa ring Kupas Dahil sa Kanyang “Fit and Fabulous” Awra

Kabilang sa mga artista sa showbiz na hindi pa rin kumukupas ang taglay na telento, husay at ningning sa pag-arte ay ang aktres na si Mylene Dizon. Maliban pa nga rito, ay hindi rin maikakaila na isa siya sa mga aktres na may angking kagandahan na hinahangaan ng marami niyang mga tagahanga at tagasubaybay.

Credit: Miss Mylene Dizon | Instagram

Dahil sa angking husay at galing ni Mylene ay naging matingkad ang kanyang pangalan sa showbiz. Ang kanyang pangalan ay tumatak bilang isang batikang artista, lalo na nga sa mga mahusay at kabilib-bilib niyang pag-ganap sa mga kontabidang karakter na ibinibigay sa kanya na isang proyekto o pelikula.

Samantala, ilan nga lamang sa mga hindi malilimutan na pelikula at proyekto na kinabilangan ni Mylene ay ang “Mara Clara”, “Doble Kara”, at ang “Bilangin ang Bituin sa Langit”, kung saan ay nakasama naman niya rito ang beteranang aktres na si Nora Auno.

Credit: Miss Mylene Dizon | Instagram

Maliban sa pagiging isang aktres naman ngayon, ay abala na rin si Mylene sa pagiging isang ina sa kanyang dalawang anak, na si Tomas at Lucas Paraiso, na ang ama nga ay ang datin niyang partner na si Paolo Paraiso.
Kahit naman naging isa ng ina ang aktres, ay hindi naman ito naging hadlang sa kanya na mapanatiling fit at fabulous ang kanyang sarili, at ito nga ay sa pamamagitan ng tamang pag-ala sa kanyang kalusugan at pangangatawan.

Sa kabila nga ng edad na 44 ngayon ni Mylene ay aakalain nga na ito ay nasa mid 30’s pa lang ang ead, dahil saw ala pa ring kakupas-kupas ang kanyang kagandahan, at maging ang pigura ng kanyang katawan.

Ayon kay Mylene, ang tanging naging sikreto niya upang mapanatiling fit and fabulous, ay ang palagiang pag-eehersisyo.

Credit: Miss Mylene Dizon | Instagram

Sa Instagram account ng aktres ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng kanyang exercise routine, kung saan ito nga ay nagbigay ng inspirasyon sa marami na nagnanais ding maging fit at healthy.

Makikita naman sa iba pang post ni Mylene na maliban sa kanyang exercise routine, ay nagyo-yoga rin ito.
Mas naging bata naman ang awra ng aktres ng kamakailan lamang ay kanyang pagupitan ang buhok niya na bumagay naman talaga sa kanya at mas lalo pa ngang nagpakinang ng kanyang ganda.

Si Mylene Dizon ngayon ay nahihilig din sa iba pang mga outdoor activities, kagaya na nga lamang ng mountain climbing. Matatandaan na noong buwan ng Enero ay nag-mountain climbing ang aktres kasama ang kanyang long-time boyfriend na si Jason Webb, na kilala bilang isang PBA coach at former basketball player.

Credit: Miss Mylene Dizon | Instagram

Hindi nga maikakaila na sa edad ni Mylene na 44 ngayon ay napaka-fit pa rin nito, at ito nga ay base sa mga larawan niya na ibinabahagi niya sa kanyang social media account, kagaya na nga lamang ng isang larawan kung saan ay makikita siyang nakasuot ng itim na bikini na nagpalitaw ng kanyang napakaganda at seksing katawan.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved