Connect with us

Entertainment

Mariel Padilla, Proud na Ibinahagi ang Pagiging Supportive ng Mister Niyang si Robin ng Ito Mismo ang Maging Delivery Rider Niya sa Negosyo

Sa buhay mag-asawa ay mas mainam nga naman kung maliban sa tiwala at pagmamahay sa isa’t isa ay mayroon din kayong pagtutulungan. Kaya naman tunay na maswerte ang mga may asawa na ang katuwang ay sumusuporta at tinutulungan siya sa anumang bagay, lalo na nga kung ito ay patungkol sa paghahanapbuhay na makakatulong sa buhay pinansyal ng inyong pamilya.

Credit: Mariel Padilla | Instagram

Isa nga sa mga maituturing na maswerte sa kanyang napangasawa ay ang TV host-actress na si Mariel Padilla, dahil maliban sa pagkakaroon ng asawang mahal na mahal siya, ay napaka-supportive din nito sa kanya, lalo na nga ngayon sa negosyong kanyang pinasok.

Batid ng marami na ang asawa ni Mariel Padilla ay ang batikang action star na si Robin Padilla, at ang pagsasama nga nilang mag-asawa ay nabiyayaan na ng dalawang mga anak na panay babae.

Credit: Mariel Padilla | Instagram

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay ibinahagi ni Mariel sa kanyang social media account kung gaanos iya ka-proud sa kanyang mister na si Robin, dahil sa ginagawa nitong pagtulong sa kanyang negosyo.
Makikita sa Instagram account ni Mariel ang naging pagbabahahagi niya kung paano nga siya tinutulungan at suportahan ni Robin sa negosyo niya.

Credit: Mariel Padilla | Instagram

Ibinahagi ni Mariel kamakailan lamang sa kanyang IG post na ang kanyang asawang si Robin ang kanyang naging delivery rider. At ayon pa sa kanya, ang kanilang delivery ay umaabot sa iba’t ibang mga lugar, kagaya na lamang ng Manila, Cavite, Bulacan, Bataan, Laguna at Pampangga.

Bawat deliver umano ng asawa niyang si Robin sa mga customer ng negosyo niyang Cooking Ina Food Market, ay nagbibigay ng libreng picture taking ang kanyang mister.

Sa larawan ngang ibinahagi ni Mariel ay makikita na rider na rider ang dating ni Robin dahil tuwing ito nga ay nagde-deliver ng food order sa Cooking Ina Food Market ay nakasuot ito ng yellow uniform.
Ayon sa ulat si Mariel mismo ang nagluluto ng produkto ng Cooking Ina Food Market, at bukod sa masarap ito ay maganda pa ang packaging nito. Maliban kasi sa Styrofoam box, ay nakalagay pa ito sa eco bag na may larawan ni Mariel.

May naging post naman si Robin sa kanyang socmed account, kung saan ay kanyang pinasalamatan ang isa sa customer ng kanyang misis, na patuloy ngang tumatangkilik sa Cooking Ina Food Market.

Credit: Robin Padilla | Instagram

“Mam Cha maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik sa @cookinginafoodmarket. Very loyal customer ang family ni mam. Las Piῆas po ang area ng delivery ko kahapon. Pasensya na po sa mga nag-antay sa Paraῆaque at Manila.

Maraming salamat po sa mga order niyo. Next time ako na po ang kakatok sa inyong mga pinto. Ito pong muli ang moto ng ina nyo ang delivery service ng cooking ina niyo @marieltpadilla”, saad ni Robin.
Marami namang mga netizens ang nagbigay ng postibong komento para sa mag-asawa, at ang iba pa nga ay nagsabi na oorder na sila, lalo pa’t maaring si Robin ang mag-deliver sa kanila.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved